Facebook

Senador Go, may oras pa rin sa mga biktima ng sunog at kalamidad

MATAPOS mabalitaan na 300 pamilya sa Barangay 144 sa Pasay City ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog ay agad na nakipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government unit (LGU) si Sen. Bong Go para magbigay ng dagdag-ayuda sa mga biktima.

Nagpaalam si Sen. Go kay DSWD Secretary Erwin Tulfo na mamimigay din ang kanyang tanggapan ng cash assistance sa mga biktima ng sunog sa Pasay.

Ayon kay Sen. Go, dagdag tulong lang ang kanilang ibibigay mula sa naunang naibigay na ng DSWD.

Nakiusap din si Sen. Go kay Sec. Tulfo na impormahan din ang kanyang opisina kapag may kalamidad para makatulong din kahit paano.

Namigay na ang DSWD ng mga pagkain at P5,000 cash assistance sa mga pamilyang nasunugan.

Dadagdagan naman ng tanggapan ni Sen. Go ang nauna nang naibigay na ayuda ng DSWD.

Anang senador, bagama’t busy siya sa Senado ay hindi naman niya nakakalimutan ang mga biktima ng anumang kalamidad dahil nakasanayan na niya ang pagtulong mula pa noong nasa Davao sila ni dating Pang. Rodrigo Duterte hanggang sa maging senador siya. (Mylene Alfonso)

The post Senador Go, may oras pa rin sa mga biktima ng sunog at kalamidad appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Senador Go, may oras pa rin sa mga biktima ng sunog at kalamidad Senador Go, may oras pa rin sa mga biktima ng sunog at kalamidad Reviewed by misfitgympal on Agosto 27, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.