Facebook

BALATUBANG NIA CONTRACTORS GAGAPANG SA IRIGASYON!

Galawang GAPANGAN ang magiging eksena sa mga BALATUBANG CONTRACTORS sa iba’t ibang proyekto ng NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION (NIA) kung paano malulusutan ng mga ito katuwang ng kanilang mga kakutsabang POLITICIANS bunsod sa panuntunan ni NIA ADMINISTRATOR BENNY ANTIPORDA.., na pahalagahan ang bawat sentimong inilaan sa mga proyektong pang-magsasaka.

Karaniwan na ang mga GOVERNMENT PROJECTS ay ginagamit ng ilang tiwaling mga opisyal o mga POLITICIAN para mapagkakuwartahan.., yun nga lang, marami ang nangungumisyon, kaya may mga proyektong halos 20% na lang ang nailalaan.. resulta ay AMPAW na proyekto.

May mga masisiba kasi sa kadatungan.., na dapat sana ay 30% lamang ang komisyon o paghahati-hatian ng mga mangungumisyon at ang 70% ay mapupunta sa CONTRACTOR para hindi TIPID ang mga gagamitin at pasuweldo sa mga magiging trabahador., yun nga lang ay may mga BALATUBANG CONTRACTOR at GOVERNMENT OFFICIALS na kailangang madiskubre na ng mga kinauukulan.

Kamakailan ay naging laman ng ating kolum ang itinimbre ng ilang NIA INSIDER hinggil sa ilang mga tiwaling NIA OFFICIAL na nagreresulta sa mga AMPAW na proyekto tulad ng mga IRIGASYON.

Ang kolum ay umabot sa tanggapan ni NIA ADMIN. ANTIPORDA.., at nag-email ang kaniyang staff bilang tugon hinggil sa isyu, na isinasaad dito ang…

“Dear Mr. Corpuz: The National Irrigation Administration – Office of the Public Affairs and Information Staff (NIA-PAIS) would like to express its appreciation on your online article entitled “NIA DAPAT PAIGTINGIN NG GOBYERNO!” published by the Police Files Tonite on August 24, 2022 regarding the need of the Philippine Government to revitalize the agricultural sector by focusing on irrigation development and the efforts of the Marcos Administration to eradicate graft and corruption.

At present, NIA is conducting a thorough investigation on the corruption allegations against its regional officials. Under the leadership of Administrator Benny D. Antiporda, NIA remains steadfast in ensuring that every peso of taxpayers’ money will be utilized for the benefit of the Filipino people, especially our farmers.

The Agency also expresses its gratitude for your efforts in achieving transparency and accountability in government. The Office of the Public Affairs and Information Staff is always open for any assistance that we can provide in the service of the Filipinos.

Rest assured of our shared commitment in public service. Thank you very much”.

Ayan mga ka-ARYA na NIA INSIDERS.., binubusisi na ng inyong ahensiya ang lahat ng mga proyekto na nakukulapulan ng kurapsiyon at yan ay dahil sa prinsipyo ni ANTIPORDA na ang bawat piso o sentimo mula sa taxpayers money ay magagamit ng wasto sa lahat ng mga proyekto.

Nitong August 26 sa isang event sa TARLAC CITY ay nalitanya ni ANTIPORDA ang…, “Kung hindi ko kayang galangin ang isang maliit na driver, paano ko pa gagalangin ang isang maliit na magsasaka. Lahat kayo, tandaan ninyo, kapag may narinig akong reklamo ng isang magsasaka na inabuso ninyo o hindi ninyo pinagsilbihan, bababa ako sa pinakamababang lugar para lang puntahan ka at para ipakita sa iyo kung paano ang tunay na serbisyo-publiko. Ang amo po natin ay ang mga magsasaka. Sila po ang dapat makinabang sa mga ginagawa natin”.

Senyas naman ng ilang NIA INSIDERS na susubaybayan nila ang pagsisiyasat sa mga NIA PROJECT at kung may mga UNTOUCHABLE na ma-excempted sa investigations ay nahahanda raw ang ating mga kaibigan na Ibigay sa ARYA ang mga dokumento laban sa mga CONTRACTOR at GOVERNMENT OFFICIAL na kasabuwat sa pambabalatuba ng mga proyektong dapat ay natatamasa ng buong mamamayan

Kaya naman mga ka-ARYA na magsasaka.., asistehan natin ang liderato ni ANTIPORDA sa paraang isuplong ang mga nananamantala upang maputol na ang mga malasadong proyekto.., sa gayon ay magkaroon na ng tunay na proyektong makapagbibigay serbisyo ng mahabang panahon sa sektor ng pagsasaka!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post BALATUBANG NIA CONTRACTORS GAGAPANG SA IRIGASYON! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BALATUBANG NIA CONTRACTORS GAGAPANG SA IRIGASYON! BALATUBANG NIA CONTRACTORS GAGAPANG SA IRIGASYON! Reviewed by misfitgympal on Agosto 27, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.