Siya ang unang nag-joke about ex sa Tropang LOL… Matteo kinawawa si Alex, pinalabas na masama sa publiko
Ni PETER S. LEDESMA
FEELINGERONG gwapo at hindi marunong rumespeto ng babae ang bagong saltang host sa Tropang Lunch Out Loud na si Matteo Guidicelli.
Na matapos unang mag-joke about sa mga dating girlfriend o past relationships na sinundan o sinundot ni Alex Gonzaga ng biro rin.
Hayun si Matteo at agad ipinost sa kanyang IG Account ang pagtataray niya kay Alex na pinalabas na taklesa’t intrigera ang sikat na comedianne-host at vlogger. At inuurirat pa nito ang nakaraan at nagdrama pa na apektado na raw ang misis na si Sarah Geronimo. Samantalang ang totoo ay pina-prank lang niya si Alex sa programa nila sa TV 5. Makatarungan ba naman ito, na matapos palabasing contravida si Alex ay hugas kamay si Matteo at ipinagtanggol si Alex sa mga basher na kagagawan naman niya ang isyu. Teka, para magkaalaman na si Alex ay hindi nagsasalita sa mga ginagawa ni Matteo sa kanya, na alam ng actor host na ito na pareho silang married ng main host ng LOL. Pero kung makabuhat ito kay Alex at amoy-amoyin ang braso ay wagas samantalang wala ito sa script ng noontime show nila. Feeling close ba siya kay Alex?
Bakit hindi sa wife mong si Sarah gawin ito. Bastos ka at walang respeto Matteo. Tapos ikaw yung pabida at api kuno. Kung gusto mong pag-usapan ay gumawa ka ng sarili mong issue, hwag mong ginagamit-gamit si Alex. Kung si Sarah kaya ang buhatin at amoy-amoyin ang braso ng ibang lalake, papayag ka ba Matteo? Magrespeto ka kina Alex at husband nitong si Lipa Councilor Mikee Morada. Ito pala ang post ni Alex sa kanyang TwitterAccount “Some people won’t like you but that’s okay as long as you still like yourself and the person you can be.”
Korek! At hindi apektado ang Vlog at Youtube Channel ni Alex at mga endorsement sa pamba-bash sa kanya ng mga bulag sa katotohanan at madaling magpaniwala sa maling isyu na mga Popsters (fans ni Sarah). Sa katunayan ay patuloy pa rin ang suporta kay Alex ng mga ineendorsong Secosana, JAG Jeans, etc. At nananatiling number one rin at Top 1 trending sa Philippines at top 5 trending Worldwide ang movie nito sa NETFLIX na “THE ENTITLED” opposite JC de Vera.
***
Jc Garcia At Co-Magic Trio Na Sina Yolanda At Michael Patok Ang “HAVANA NIGHTS” Concert Sa Sanfo
Certified crowd drawer talaga ang singer-dancer at international recording artist na si Jc Garcia. Talagang mahusay naman kasing perfomer si Jc at world-class ang kanyang boses kaya tuwing may show siya ay sinusuportahan talaga ng fans and supporters nito.
Muli ay dinumog ang recent concert ni Jc at Bff at kapwa recording artist na si Yolanda Siracusa titled “HAVANA NIGHTS” held at The Fort Mckinley Resto and Bar in South San Francisco, California. And this time, on that evening ay inintroduce na ni Jc sa kanilang audience ang “Magic Trio” nila ni Yolanda kasama ang local singer sa Sanfo na si Michael Reyes Lobo.
Panalung-panalo at pinalakpakan nang husto ang kanilang performance lalo nang kantahin nina Jc, Yolanda, at Michael ang “Eye of the Tiger” na lumutang ang boses ni Jc.
Yes, no exaggeration mas angat yung version ni Jc kumpara sa original singer nito na grupong Survivor. Sa rami ng nanood, may mga hindi pa nakapasok sa venue at humingi ng paumanhin ang management ng The Fort Mckinley Resto sa mga ito.
Sa official Facebook Account ng said artist ay mas marami kayong mapapanood at maririnig na cover songs niya, na feature rin sa SMULE. Samantala, dahil sa success ng Havana Nights concert ay inaawitan sina Jc ng repeat concert. May upcoming concert si Jc this September at walang patid ang offer sa kaibigan naming mabait na popular singer.
***
First Granddaughter Nina Mr and Mrs Joyce and Larry Krull Celebrity Baby Ang Dating
Very happy young Lola and Lolo ang Bff ko from Kansas, USA na si Ma’am Joyce at husband si Sir Larry Krull para kanilang first Granddaughter na si Kassidy.
Yes, imagine sa Christening ni Kassidy, last month ay nag-hire pa talaga si Friendship Joyce ng Events Stylist. At dahil magaling ang nakuha nila ay na-execute nito nang tama at pulido ang aura ni little Princess Kassidy at lahat ay nagandahan sa ayos ng venue. At bongga at yummy ng food na na-enjoy ng lahat ng bisita na catered by the Manila Bay Express na nag-iisang top rated Pinoy Resto sa Kansas, USA.
Naging special na bisita pa sa binyag ang family friend ni Ms. Joyce na si former Congressman Steve Watkins. Happy si Ma’am Joyce sa effort niyang ito para sa super Love na apong si Kassidy na buong event ay cute ang dating sa kanyang binyag at outfit.
Siyempre, super happy rin ang parents ni Kassidy na sina Doc Kevin at Dra. Via na daughter nina Ma’am Joyce at Sir Harry. Ang mag-asawang ito ang owner ng popular driving school sa buong Kansus na MIDWEST DRIVING SCHOOL.
By the way, sa mga dumalo sa nasabing baptismal ni Baby Kassidy, marami ang nagsabi kay Ma’am Joyce na artistahin ang dating ng kanyang granddaughter. Yes, I agree at pwede ring maging endorser ito dahil super pretty at biba.
The post Siya ang unang nag-joke about ex sa Tropang LOL… Matteo kinawawa si Alex, pinalabas na masama sa publiko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: