Facebook

Maine magdedesisyon kung kailan magpapakasal kay Arjo

Ni WALLY PERALTA

MUKHANG nagkatotoo ang laging sinasabi ni ‘Lola Nidora,’ ang ginampanan na role ni Wally Bayola sa noontime show na “Eat Bulaga” sa segment nila nina Maine Mendoza at Alden Richards. Madalas na sabihin ni Lola Nidora kay Yaya Dub na ang pagpapakasal ay darating sa ‘tamang panahon.’
After almost years ay nagkatotoo ang sinabi ni Lola Nidora dahil sa pagkatapos ng halos isang taon ay nag-propose ng kasal at tinanggap naman ni Maine, ang boypren niya sa totoong buhay na si Cong. Arjo Atayde.
”I’ve been planning more than a year. Grateful it happened at the right time. So I just really waited for everything kasi, of course, may mga nangyari and everything. The parents of Maine are very loving, very understanding, very giving to me ever since and I’m very thankful,” say ni Arjo.
Kasama kaya sa pagpaplano ni Arjo ang araw ng kasal nila ni Maine?
”That’s Maine’s decision for now. For me, I’m just here for whatever she wants. To be honest, I’ve decided even before asking her, I am ready anytime,” dagdag pang say ni Arjo.
***
KUNG may half South Korean, half Pinay ang mga Vivamax Bombshell sa pangunguna ni Angeli Khang, pwes, heto naman ang pambato ng mga half Japanese, Half Pinay na si Milana Ikemoto.
Unang sabak ni Milana sa movie ay paseksi agad sa movie na idinirehe ni Jeffrey Hidalgo, ang “Lampas Langit”, na pinagbibidahan ni Christine Bermas kasama sina Chloe Jenna, Baron Geisler, Ricky Davao, Ivan Padilla, and Quinn Carrillo simula sa August 19 sa lahat ng Vivamax Apps.
Inamin ni Milana na napasok niya ang showbiz sa pamamagitan ng isang friend na kabilang sa Viva Hot Babes. Naging daan ito para agad na kunin si Milana para mapabilang sa sexy nymphets ng Vivamax. Saan kaya kumuha ng lakas ng loob si Milana na sumabak agad sa hubaran sa kanyang unang movie?
”First time ko magpa-sexy at inisip ko na lang na kung kaya ng ibang artista, e di kaya ko rin. Bale introductory role pa lang ito kasi first movie ko. It’s a short role. But I enjoyed it kasi okay si Direk Jeffrey at masaya kami sa set,” say ni Milana.
Kung supportive ang Pinay na ina ni Angeli, sa kaso kaya ni Milana, supportive rin kaya ang kanyang maderakang Pinay sa ginawa niyang pagpapasexy?
”Hiwalay na sila, e. I’m with my mom and supportive naman siya kahit magpa-sexy ako. Eh kasi, dati wala akong ginagawa, tambay lang ako sa bahay.
”I’m ready to accept any role na ibibigay nila sa akin and I just promise to always do my best,” usedagdag na say ni Milana.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store.

The post Maine magdedesisyon kung kailan magpapakasal kay Arjo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Maine magdedesisyon kung kailan magpapakasal kay Arjo Maine magdedesisyon kung kailan magpapakasal kay Arjo Reviewed by misfitgympal on Agosto 14, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.