Facebook

AKSYON NI ABALOS, HINILING!

MAGING si Secretary Benhur Abalos, ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay kailangan nang pumagitna sa napapaulat na kabulastugang nangyayari sa siyudad ng Tanauan, Batangas, at kung may sapat na ebidensyang mag-uugnay kay City Mayor Sonny Collantes sa operasyon ng Small Town Lottery-con jueteng at Small Town Lottery-con drugs ay sampahan ito ng kaukulang kaso.

Hindi natin pinararatangan ang butihing alkalde na may kinalaman sa operasyon ng sugal at droga sa Tanauan City pagkat nauna nang ipinatigil nito ang operasyon ng STL-con jueteng at STL-con drugs pagkaupong-pagkaupo nito bilang bagong Tanauan City Mayor noong July 1, 2022.

Ngunit noong August 18, 2022 ay muling nakapagbukas ng kanilang labag sa batas na hanapbuhay ang hindi kukulangain sa may 30 drug/gambling operator sa naturang lungsod.

Ang mga gambling operator na ito sa Tanauan City ay ang karamihan sa itinuturong may kaugnayan din sa bentahan ng droga. Ang kinikita sa droga ng mga illegal gambling maintainer ang siya ring ginagamit na puhunan sa pag-angkat ng malakihang kantidad ng shabu mula sa mga drug smuggler sa Bureau of Customs (BOC) at iba pang sources ng droga.

Isang alias OCAMPO, maintainer ng STL-con jueteng sa Brgy, Bagbag, Tanauan City at big-time drug pusher na umaangking bagyo kay Mayor Collantes ang napabalitang kumumbinsi sa dating Batangas 3rd District Congressman para muling makapagpatakbo ng iligal na pasugal sa may 48 barangay ng naturang lungsod.

Hindi natin sinasabing naimpluwesyahan nga ni OCAMPO si Mayor Collantes sa panukala nitong muling buksan ang operasyon ng STL-con jueteng at utusan ang City Police Chief LtCol. Antonio Rotol Jr. na lubayan na ang pag-aresto sa mga kubrador ng 1-38 numbered illegal gambling scheme.

Ngunit ilang araw matapos na parang apoy na kumalat ang balitang kinausap na ni OCAMPO si Mayor Collantes ay muli ngang rumatsada ang operasyon ng hindi kukulangin sa may 30 jueteng financier sa Tanauan City.

Kasunod ng full-blast jueteng operation sa siyudad ay bigla namang lumutang ang alingasngas na nag-ambag-ambag ang mga jueteng operator sa nasabing lungsod para makalikom ng protection money na halagang Php 5 milyon para sa isang mataas na opisyal ng Tanauan City Hall at panibagong Php 5 milyon naman sa grupo ng matataas na opisyales ng Philippine National Police (PNP).

Sa kabuuan ay pumapalo sa Php 10 milyon kada buwan ang ihahatag na protection money para sa isang Tanauan City Official at sa grupo ng PNP simula nang pabuksan ang operasyon ng STL-con jueteng at bentahan ng droga sa nasabing siyudad?

Natural naman na ang Php 10 milyon ay ninanakaw ng mga gambling operator mula sa kolekyon ng ligal na PCSO-sponsored Small Town Lottery sa nasabing lungsod.

Si OCAMPO ang nagsisilbing intelhencia kolektor para sa Tanauan City government official samantalang sina alias Ding Rodriguez, alias Sgt. Aguas at Tata Boy naman ang komokolekta ng intelhencia para sa pangalan ng mga top PNP official.

Tiyak na hindi nina PNP Director General, Rodolfo Azurin Jr., PBG Melencio Nartatez Jr. at Batangas PNP Provincial Director P/Col. Pedro Soliba at ilan pang mga matataas na opisyales ng PNP kabilang na ang CIDG na ginagasgas nina alias Ding Rodriguez, alias Sgt. Aguas at Tata Boy ang kanilang mga pangalan sa pangongolekta ng protection money na tinatawag din sa police jargon na intelhencia.

Kaya kung hindi makakarating kina Dir. Gen. Gen. Azurin Jr., PBG Nartatez Jr. at Col. Soliba ang nabanggit na intelhencia ay may paghahatian kaagad sina alias Ding Rodrigues, alias Sgt. Agua at alias Tata Boy na Php 10 milyon monthly mula sa Tanauan City pa lamang.

Ito ay katumbas ng tumataginting na Php 60 milyon sa looban ng isang taon, kaya instant millionaire na ang mga ulupong na mga intelhencia kolektor na ito kung di susugpuin nina Gen. Azurin Jr? Magkano naman kaya ang nakukulimbat ng mga ito sa buong rehiyon ng CALABARZON?

Kaugnay nito, tunghayan natin ang text messages ng ating tagasubaybay na nagpakilalang Brgy. Kagawad ng Poblacion, Tanauan City:

Dear Sir Cris/ Sikreta,

Nakakahiya na po na palaging laman ng pahayagan ang aming siyudad ng Tanauan. Totoo naman po na sa halos lahat na barangay d2 sa amin ay nag-ooperate ang STL bookies at karamihan nga ay mga opisyales pa ng barangay, mga kilalang barako, halang ang kaluluwa at utak kriminal ang pasimuno sa pagpapatakbo ng iligal na pasugal at kalakalan ng droga sa ibat-ibang lugar d2 sa amin. Kailangan na pong matanggalan ng maskara ang city hall official na tumatanggap ng P 5 milyon na payola mula sa jueteng at droga. Kapag nasupil na ng kapulisan ang koleksyon ng suhol, halos 100 percent na solve na rin ang problema sa kriminalidad d2 sa Tanauan City.

Kung maari lamang ay palitan na ni DILG Sec. Benhur Abalos ang aming police chief, na wala di namang magawa para masupil ang paglaganap ng sugal at droga d2 sa amin. Good day!

Brgy. Kagawad, Poblacion, Tanauan City.

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.

 

 

The post AKSYON NI ABALOS, HINILING! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
AKSYON NI ABALOS, HINILING! AKSYON NI ABALOS, HINILING! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 10, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.