DAHIL VP na, DepEd secretary pa, malawig ang kapangyarihan na hawak ngayon ni VP Sara Duterte na itatago natin sa pangalang Inday Sapak. Sa datos na kinalap, ani Lean Porquia: “Sara Duterte is probably the most powerful government official today.” Kung hihimayin: May pondo siya sa OVP na P2.4 bilyon at P710.6 bilyon bilang kalihim ng DepEd. Mayroon rin siyang P500 milyon na “confidential funds.” Para maliwanag, ang “confidential funds” ay nakalaan ara sa OVP at walang kinalaman sa DepEd kung saan si Inday ay kalihim.
Himayin ang bandilang pula dito: Noong tinanong ang spooksperson ni Inday Sapak matagal bago kumibo, at ang tugon ay gagamitin ang P500-M sa mga programa sa peace and order at national security. Ha? Wait a minute kapeng mainit.
Maliban kung ma-overhaul ang DepEd na maging tulad ng DND, kailan ba gumawa ang DepEd ng programa na nakatuon sa peace and order at national security? Hindi ba tungkulin yan ng isang law enforcement agency tulad ng PNP o AFP yan? Kahit anong paliwanag ng kawawang spooksperson, walang kaliwanagan ang napala ni Juan Dela Cruz. Ang confidential funds ay, tulad ng isinasaad, ” confidential,” na ang ibig sabihin hindi malalaman kung ano ang pinaglaanan at hindi dadaan sa audit. Dahil hindi nalalaman ang pinagkakagastusan ng pondo pwede itong ilista sa tubig at mawala ang pondo na parang bula.
Alam nating lahat na ang bula ay hindi napasailalim sa COA. Kaya ang confidential funds ay masasabi ko kasing linaw ng sabaw ng pilos. Matatandaan nasangkot na si Inday Sapak sa kontrobersiya pagkakaroon ng humigit-kumulang 11,000 ghost employees sa Davao City. Matatandaan din na walang kaliwanagan din ang ito. Kaya maging maging masinop sana ang DBM dito, dahil sa kalaunan kulang na lang ihanda ang tindig para maituhog dito ang mamamayan bago isalang sa baga.
***
Nakakatawa ang sinabi ni Ruben Malabuyo, bagama’t hitik ito at malalim sa talinhaga. Gagamitin ko ang talamitam niya pantuldok sa kolum na ito: Nakakaumay na mga pautot ng kabilang parlor – lutang, madumb, etc. Sa totoo lang hindi kami impressed. FYI, 100 ang average IQ naming mga kakampwet. Kulang na kulang kayo sa imagination. Bigyan ko kayo ng bagong script: Leni will be at Harvard to lead a secret plot financed by Bill Gates and Loida Lewis. They are building a powerful laser which will be launched into space, pointed at Malacanan, and at the opportune time, like a cabinet meeting, Boom! and Leni will then take over. Alternate script: Doc Tricia is collaborating with Harvard scientists in creating a machine which can override internet transmission, in time for the next election. Once activated, all results will then be recorded in favor of Kakampink candidates, with a 70:30 ratio. To Tabogo scriptwriters: PM me for more imaginative scripts.
Kung ang mga katulad ni Leni Robredo na ngayon ay isang teaching fellow sa Harvard; o kaya si Pia Rañada na nakatanggap ng scholarship sa Stanford University na alma mater ni Barack Obama; Tulad din ni Lian Buan na binigyan ng Chevening scholarship, at ngayon kukuha siya ng kanyang masters sa Birkbeck University School of Lawn sa Inglatera. Kung ang mga katulad ni Maria Ressa ay nanatiling tahimik hindi siya nakatanggap ng Nobel Peace Prize.
May kasabihan sa Ingles: “a visionary is never popular in his own land”. Mas seseryosohin na nga kung ikaw ang tipong “visionary” na nakikita si Birheng Maria sa isang pirasong tostadong tinapay. Masakit tanggapin, pero ang lehitimong “visionary” ay itinatakwil dahil sa umiiral na di-katiyakan ng pulitika sa sariling bayan. Tanging sa ibang bansa binigyan ng halaga ang kanilang talento at kakayahan. Masasabi natin na sa kalaunan sila ang nagtagumpay.
Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.
***
NOONG Setyembre 8 pumanaw si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Siya na ang pinuno na umabot sa 71 taon ang kanyang reyno. Si Elizabeth ay tumungtong sa trono nung 1952 sa pagpanaw ng kanyang ama si King George IV. Sa pagpanaw nng Reyna, ang panganay na anak ang hahalili sa kanya – si Charles na ngayon ay King Charles III.
Kapalaran ang nagdala kay Elizabeth sa trono. Si Elizabeth ay anak ni George na naging hari matapos magbitiw ang kanyang kapatid si Edward VIII para pakasalan ang Amerikanang diborsyadong si Wallis Simpson. Si George VI ay naging hari sana noong sumambulat ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Si Elizabeth ay nanungkulan noon bilang isang nagmamaneho at nagkukumpuni ng mga trak. Ikinasal siya kay Philip Mountbatten, at noong 1952 mamatay ang ama niya at hinirang siyang Reyna Elizabeth II.
May nagtanong sa historyador Propesor Jose Victor Torres kung ano magiging epekto ng pagkamatay ni Elizabeth II sa relasyon ng Pilipinas at Britanya.
Ang tugon niya? Wala. Ayon sa kanya ang mga katulad niya na “Royalty” ay mga pinuno ng bansa at ang estado na “symbolic” Dahil ang Prime Minister at ang Parliament ang nagpapatakbo ng pamahalaan ng Inglatera, kaya sa kanila nakasalalay ang relasyong panlabas ng Pilipinas at Britanya. Ani ni Prof. Torres, iyan kasi ang pagbubuo ng isang constitutional monarchy. Iba ang pinuno ng bansa sa pinuno ng pamahalaan.
Sa lahat ng mga kaibigang Ingles, nakikiramay ang inyong abang-lingkod, sampu ng mga nagsusubaybay sa kolum ko sa pagpanaw ni Elizabeth II. At sa paghirang ng bagong hari si Charles III. God save the King
***
Mga Harbat Sa Lambat: “Truth is like a lion; you don’t have to defend it. Let it loose; it will defend itself.” – St. Augustine
“They say I am a saint trying to be a politician. I am a politician trying to be a saint.” – Mahatma Gandhi
“Fmr. VP Leni Robredo off to Harvard, Pia Rañada going to Stanford, and now Lian Buan getting a Chevening scholarship. Good things happen to good people…” – John Molo
“Kung iniisip mo na dilawan ang Nobel Peace Prize, Harvard at FAMAS Awards… Ang tanga mo! Mas may value pa itong ulam ko kesa sa utak mo.”- Vince Tanada
“Buckingham Palace will now be called Camilla Homes…” – Rowena Rosario Canlas
***
mackoyv@gmail.com
The post Malinaw pa sa sabaw ng pilos appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: