Facebook

Amerikano inaresto sa tangkang pagpuslit ng mahigit 3 kilo ng cocaine sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport- Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang Amerikano sa tangkang pagpuslit ng mahigit 3 kilo ng cocaine sa NAIA.

Ayon sa ulat ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, si Stephen Joseph Szuhar, retired casino manager, ng18533 Bridle Club DR Tampa, Florida, ay nadakip habang bitbit ang bagaheng naglalaman ng may 3,700 gramo ng puting powdery substance na hinihinalang cocaine na may street value na P19,610,000. Nagmula umano ito sa Doha Qatar lulan ng Qatar Airways Flight QR 932bandang alas-2 kamakalawa ng hapon.

Sa pangunguna ng NAIA-IADITG katuwang ng mga ahente ng PDEA ay inaresto ang dayuhan habang bitbit ang kahina-hinalang bagahe sa Customs International Arrival Area sa NAIA terminal 3

Ang itim na luggage na may label na “YIN’S” na naglalaman ng sari-saring damit, ilang piraso ng carbon paper at tatlong piraso ng improvised pouch na gawa sa packaging tape na bawat isa ay naglalaman ng hinihinalang cocaine.

Sa kasalukuyan, ang Amerikano ay nasa custodial jail facility na ng PDEA-Regional NCR at sumasailalim ito sa masusing interogasyon upang malamann kung sangkot ito sa malalaking sindikato ng droga. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)

The post Amerikano inaresto sa tangkang pagpuslit ng mahigit 3 kilo ng cocaine sa NAIA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Amerikano inaresto sa tangkang pagpuslit ng mahigit 3 kilo ng cocaine sa NAIA Amerikano inaresto sa tangkang pagpuslit ng mahigit 3 kilo ng cocaine sa NAIA Reviewed by misfitgympal on Setyembre 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.