Facebook

Re-opening ng Manila Zoo sa publiko, Nov. 15 na – Mayor Honey

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na sa November 15 na ang re-opening ng New Manila Zoo sa publiko at ito ay tamang-tama sa nalalapit na Kapaskuhan. Gayunman ang nasabing muling pagbubukas ng zoo ay hindi na libre, pero bibigyan pa rin ng diskwento ang mga Manileño, senior citizens at persons with disability (PWDs).

Ito ang ipinahayag ni Lacuna sa isang ambush interview kung saan sinabi niya na ang Manila City Council sa pamumuno ni Vice Mayor at Council Presiding Officer Yul Servo-Nieto ay maglalabas ng isang ordinansa na gagabay sa regulasyon ng Manila Zoo.

Sa ilalim ng rates na ipinanukala ng parks and recreations bureau and Zoo director na si Pio Morabe, ang admission fee para sa Manilans ay P150 habang ang non-Manilans ay P250.

Ayon kay Lacuna ang pamahalaang lungsod ay binuksan ang zoo mula January hanggang June nang walang bayad kung saan ang mga namamasyal ay binigyan din ng pagkakataon para makapagbakuna.

Sinabi pa ng kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila na ang ipatutupad na entrance fee ay lubhang mababa kung ihahambing sa ibang mga zoo.

Dinagdag pa ni Lacuna na isasapinal pa nila ni Morabe at ng city council ang halaga ng entrance fee para sa mga persons with disability at senior citizens.

Samantala, ang planong one-day ‘free pass’ para sa senior citizens ay tuloy din tulad ng libreng movie passes na kanilang nakukuha sa mga theater operators sa lungsod.

Sinabi rin ni Morabe na ang mga bibisita sa New Manila Zoo ay maaaring mag- register at magbayad online upang makaiwas sa overcrowding sa pagbabayad sa payment booth sa zoo.

Ang mga highlights sa zoo ay ang bird shows, renovated playgrounds, interaction sa malalaking mga ahas, elephant, zebras at iba pa.

Binanggit din ni Morabe na nasa proseso na sila ng pagi-import ng mas marami pang hayup para sa kanilang zoo kung saan may mga first-class glass enclosures upang mabigyan ang mga bisita ng pagkakataong mas makita ang mga hayup ng malapitan. (ANDI GARCIA)

The post Re-opening ng Manila Zoo sa publiko, Nov. 15 na – Mayor Honey appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Re-opening ng Manila Zoo sa publiko, Nov. 15 na – Mayor Honey Re-opening ng Manila Zoo sa publiko, Nov. 15 na – Mayor Honey Reviewed by misfitgympal on Setyembre 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.