Facebook

Bebot kinatay ng dyowa, natagpuang naaagnas na

NAAAGNAS na ang bangkay ng isang customer care assistant nang ma-tagpuan sa loob ng inuupahan nilang tahanan sa Quezon City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Daisy Rose Pascual, 19 anyos, nangungupahan sa Atherton St., Barangay North Fairview, QC.

Naaresto naman ang nobyo nitong si Aivan Kim Balate ng Brgy. North Fairview, at siyang itinuturong salarin sa krimen.

Sa ulat, 7:23 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kaniyang unit sa nasabing barangay.

Bago nadiskubre ang bangkay, inutusan ng land lady na si Julie Gonato ang kaniyang caretaker na si Feli Pepe, na sirain ang padlock ng gate ng 2nd floor at buksan ang inuupahang silid ng biktima dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa loob nito.

Nang mabuksan ang pintuan, tumambad ang bangkay ng biktima na halos naaagnas na kaya’t kaagad na ini-report sa pulisya.

Mabilis ring inaresto ang salarin pero tumanggi itong magbigay ng pahayag hinggil sa krimen.

Nakitaan ng malalalim na saksak sa katawan ang biktima.

Nakapiit na ang salarin na nakatakdang sampahan ng kaso.

The post Bebot kinatay ng dyowa, natagpuang naaagnas na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bebot kinatay ng dyowa, natagpuang naaagnas na Bebot kinatay ng dyowa, natagpuang naaagnas na Reviewed by misfitgympal on Setyembre 07, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.