Facebook

Pekeng OVP staff nambudol sa SJDM Mayor’s office, timbog

ARESTADO ang isang nagpakilalang staff ng Office of the Vice President (OVP) nang subukang budulin nito ang tanggapan ng alkalde ng San Jose Del Monte (SJDM) City, Bulacan.

Kinilala ni SJDM Officer-in-Charge, Police Lt. Colonel Cresencio Cordero Jr, ang nadakip na si Joel Calis, 41 anyos, alyas JC Lo, John Carlos Lo, Vice President ng RNA Foundation Philippines Inc, nakasuot ng damit na may logo at residente ng Barangay 138, Caloocan City.

Sa report ni Cordero, nangyari ang pag-atake ng budol-budol 6:30 ng gabi nitong Setyembre 6 sa tanggapan ni Mayor Arthur Robes sa Brgy. Minuyan.

Nag-ugat ang pag-aresto nang tumawag ang tanggapan ng alkalde sa pulisya na may budol-budol at nagso-solicit gamit ang DSWD Region 3.

Itutulong umano nila ang kanyang maso-solicit mula sa naturang tanggapan sa mga senior citizen, PWDs at solo parents.

Dahil dito, inalam ng Mayor’s Office ang pagkakakilanlan ni Calis na nakasuot pa ng polo shirt na kulay asul na may logo ng Office of the President of the Republic, at nadiskubreng hindi ito konektado sa OVP.

Agad na humingi ng tulong si Congresswoman Florida Robes, asawa ni Mayor Arhur Robes, kay Cordero na mabilis rumesponde sa lugar kasama ang ilang intel operatives at barangay officials.

Nang komprontahin at walang maipakitang patunay na taga-Office of the Vice President, inaresto ito ng pulisya.

The post Pekeng OVP staff nambudol sa SJDM Mayor’s office, timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng OVP staff nambudol sa SJDM Mayor’s office, timbog Pekeng OVP staff nambudol sa SJDM Mayor’s office, timbog Reviewed by misfitgympal on Setyembre 07, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.