Facebook

Pekeng parak timbog sa kotong

HULI sa entrapment operation ng Regional Anti Cybercrime Unit-Bicol ang isang lalaki habang kinukobra sa tindahan ang kinikil na pera sa isang estudyante sa Barangay Poblacion, Magdalena, Laguna nitong Lunes.

Kinilala ang naaresto na si Mel Andrew Sandino, 29 anyos.

Ayon sa pinuno ng RACU-5 Cybercrime Response Team, pinagbantaan ni Sandino ang 20-anyos na biktima na ikakalat ang mga pribadong larawan nito kapag hindi sa kanya nagpadala ng P3,000.

Sa report, nakuha ni Sandino ang mga larawan ng biktima nang magpakilala sa chat na isa siyang pulis mula sa PNP Anti Cybercrime Group.

Ayon kay Police Lieutenant Angelo Babagay, nagpakilala rin itong staff ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ng eskwelahan ng biktima, pero itinanggi ito ng pamunuan ng paaralan.

“Sabi daw nitong suspek, titingnan kung may tattoo o mga scars. ‘Yon naman ‘yong pagkakataon niya para picturan, i-save, pang blackmail niya sa mga biktima,” pahayag ni Lt. Babagay.

Sabi pa ni Babagay, marami nang nabiktimang estudyante sa ibang kolehiyo at pamantasan sa bansa ang nakapiit nang si Sandino.

Kinasuhan na si Sandino ng paaralan ng biktima at ng RACU-Bicol ng robbery extortion, computer-related identity theft, usurpation of authority and official function at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

The post Pekeng parak timbog sa kotong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng parak timbog sa kotong Pekeng parak timbog sa kotong Reviewed by misfitgympal on Setyembre 07, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.