Facebook

Pulis, isa pa patay sa trailer truck

NASAWI ang isang pulis at kasama nito nang sumalpok ang kanilang sasakyan sa kasalubong na trailer truck sa bahagi ng Andaya Highway sa Barangay Taisan, Sipocot, Camarines Sur, Martes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Police Corporal Michael Jomer Caceres; Richard Obrero, 34 anyos, driver.

Ayon kay Police Chief Master Sergeant Carlolindo Amado, galing sa ‘One-time, Big-Time’ police operation sa Lupi, Camarines Sur ang nasawing pulis at pauwi na ito sa kampo ng 501st Regional Mobile Force Battalion sa Bula nang maaksidente.

Hindi naka-seatbelt ang mga biktima. Gumana ang airbag ng kotse pero hindi naging sapat para mailigtas ang mga ito sa tindi ng impact ng ‘head on collision’.

Ayon sa investigator-on-case, human error ang sanhi ng aksidente. Posible umanong nakaidlip ang driver ng kotse, kaya napunta ito sa linya ng trailer truck.

Ligtas ang driver at pahinante ng truck na maghahakot sana ng kargamento sa Manila.

The post Pulis, isa pa patay sa trailer truck appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis, isa pa patay sa trailer truck Pulis, isa pa patay sa trailer truck Reviewed by misfitgympal on Setyembre 07, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.