Umaabot ng mahigit sa Php 9.6 million ang kabuuang halaga na naipagkaloob ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA sa kanilang mga civilian informants na nagbigay-daan para sa ahensiya na maging matagumpay ang kanilang anti-illegal drug operations at pagkakahuli sa mga bigtime pushers.
Pinamumunuan nina Director General Wilkins Villanueva, Deputy Director for Operations Gregorio Pimentel at Deputy Director for Administration Diosdado Carreon ang naturang ahensiya.
Sa isinagawang awarding ceremony ng pamunuan ng PDEA kamakailan, pinasalamatan nito ang mga katuwang at nakatulong nila sa government,business at private sectors sa kanilang tungkuling puksain ang iligal na droga sa bansa.
Ipinagkaloob din ang mahigit 9.6 million pesos na pabuya sa mga private informants ng ahensiya na naging susi sa pagkakalansag ng malalaking sindikato ng iligal na gamot at pagkakakumpiska sa daang milyong halaga ng illegal substance.
Naging malaking bahagi ng tagumpay ng PDEA ang naging mahusay na pamumuno sa ahensiya ni Director General Wilkins Villanueva, ganoon din ang mga kapwa opisyal nito na sina Pimentel at Carreon.
Kinilala rin ni Villanueva ang sensiridad ng kanyang mga opisyal at tauhan lalo na yaong mga ahente na nasa frontline na lagi nang nakataya ang buhay sa panganib sa tuwing may operasyong tinutupad sa field.
Speaking of great PDEA officers and men, di natin puwedeng makalimutan si Director III Kuya Randy Pedroso na kaanib ng samahang One Valiant Drug Buster Eagles Club at iba pang taga-PDEA na mga kuya rin natin sa Agila.
Para kasi sa inyong abang lingkod na bahagi rin at kasapi ng samahang EAGLES, dakila ang hangarin at tungkulin ng ating mga KUYA sa PDEA na itinataya ang buhay para sa kaligtasan at magandang kinabukasan ng ating mga mamamayan partikular na ng mga kabataan.
Isang malaking karangalan na maging kapatid natin ang mga dakilang taong ito na naglilingkod ng buong tapang at katapatan sa ating bayan.
Going back sa awarding ceremony ng PDEA kamakailan, Nakita natin at napatunayan ang determinsyon ng men and women ng nasabing ahensiya para tupdin ang kanilang tungkulin to the letters.
Isa ang PDEA sa ating mga law enforcement agencies na inaasahan ng pamahalaan at ng taong bayan sa giyera kontra droga.
With Director General Wilkins Villanueva sa pamunuan ng ahensiya, makakaasa ang mamamayan ng isang tapat at matapang na serbisyo na magliligtas sa bawat Pilipino sa kuko ng mga druglords at drug peddlers na gumagamit ngayon ng sophisticated MOs sa kanilang clandestine operations.
Kinilala rin ng pamunuan ng PDEA ang mga sakripisyo di lamang ng kanilang mga tauhan kundi ng kanilang mga assets o informants sa kanilang regular anti-illegal drug operations.
Kung wala ang mga “assets” na ito, mahihirapan ang ahensiya na maka-penetrate sa mga organized drug syndicates na ito.
Mabuhay ang PDEA at mabuhay ka Director General Wilkins Villanueva sir.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post PDEA’S OPLAN PRIVATE EYE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: