Facebook

Jake inamin, ‘ander de saya’ sa anak na si Ellie

Ni JOVI LLOZA

KASAMA na nga marahil sa promosyon ng bagong project ni Julia Barreto na ipalalabas kaya tumuntong ito sa kalabang network ng dati nitong home studio.
Maraming fans ni Julia ang sabik na mapanood na nila ang idolo sa telebisyon.
Masisilayan na ang gf ni Gerald Anderson sa GMA-7.
Yes, nasa GMA-7 na nga si Julia pero ito ay bilang bahagi para ma-ipromote nito ang latest movie.
Magiging celebrity guest si Julia sa long running noontime show ng Kapuso, ang Eat Bulaga.
Magaganap na nga raw ang pagiging guest ni Julia sa segment na Bawal Judgemental ng Eat Bulaga.
Naikumpara si Julia na isa na ring Viva artist kina Xian Lim at Lyca Gairanod na napapanood din sa mga show ng GMA-7 mula nang maging bahagi ng Viva.
***
SA latest post ni Jake Ejercito sa picture nila ng anak na si Ellie mula sa isang candy shop.
Makikita sa larawan na nag-tiger look si Ellie sa ama na parang may pagbabanta.
Inamin ni Jake na true na Ander De Saya siya pagdating sa babaeng mahal sa buhay.
Ang Ander De Saya ay under the skirt ng mahal na wala nang gagawin kundi sumunod lang at oo nang oo.
True na Ander De Saya sa anak na si Ellie kaya pag tumingin na ito nang pailalim ay alam na ni Jake ang gagawin.
Kaya para di na matuloy ang pagmamaktol ng bagets ay binilhan na lang ni Jake ng candy ang unica hija.
Sinama ni Jake ang anak sa Europe para makapag-bonding silang mag-ama.
Dinalaw na rin ni Ellie ang inang si Andi Eigenmann at mga kapatid at amain na si Philmar Alipayo na nasa Europe rin.
Well, well, well…’Yun na!

The post Jake inamin, ‘ander de saya’ sa anak na si Ellie appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Jake inamin, ‘ander de saya’ sa anak na si Ellie Jake inamin, ‘ander de saya’ sa anak na si Ellie Reviewed by misfitgympal on Setyembre 07, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.