Facebook

IMBESTIGAHAN N’YO NAMAN ANOMALYA P2.4 BILLION LAPTOPS NG DEPED AT TEXT SCAM!

SALAMAT naman at tinapos na ng Senado ang imbestigasyon hinggil sa 300,000 metric tons ng asukal na tinangkang i-import sa bansa.

Wala namang problema sa Senate inquiry, ang kaso nawawala sa ‘align’ ang imbestigasyon dahil iyong ibang senador ay pilit inilalayo ang tunay na pangyayari.

Palagi na ang kanilang anggulo ay laban kay Executive Secretary Vic Rodriguez na ang tinatamaan din ng husto ay si President Bongbong Marcos, Jr.

Gayung dapat sina President BBM at ES Vic pa sana ang papurihan dito dahil kung hind isa maagap nilang pagbaril sa Sugar Order No. 4, malamang ay aabot sa P30 billion ang nalugi na naman sa kabang yaman ng bansa.

Sa pagdating ni Rodriguez noong Lunes – matapos papuntahin siya ni PBBM dahil sa ipinalabas na ‘subpoena’ ng Senado – lalo lang nalinawan ng husto na talagang may matinding sindikato ang nais magpuslit ng tone-toneladang asukal sa Pilipinas kahit na hindi ito masyadong kailangan ng bansa sa ngayon.

Lalo pa’t nabuko mismo ng Malakanyang na ‘artificial shortage’ ang nangyayari ngayon sa supply ng asukal.

Ang nadiin noong nakalipas na hearing ay ang ginawang pagsisinungaling ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermegildo Serafica na mismong si PBBM daw ang may gusto na 600,000 metric tons pa ang gusting i-import at hindi lamang 300,000 metric tons.

Nagalit ang mga senador dito at malamang ipapa-cite in contempt si Serafica sa mga susunod na araw.

Ang nakatutuwa pa sa nagdaang pagdinig, pahiya nang husto si Risa Hontiveros dahil lamang ng spin nito para idiin si Rodriguez ay hindi umubra.

“Antayin nila at lilitaw talaga ang tunay na may kasalanan sa anomalyang ito at nasisiguro kong hindi si ES Vic iyon dahil mismong sila ni Presidente Marcos ang nagalit nang mabuko na pinirmahan ang Sugar Order No. 4 kahit wala pang ‘approval’ ng Malakanyang,” ani Senate President Migz Zubiri.

At dahil tapos na ang pagdinig ng Senado sa anomalya sa asukal, sana naman ay pagtuunan ng pansin ng Upper House ang imbestigasyon hinggil naman sa P2.4 billion na halaga ng ‘outdated laptops’ na binili ng Department of Education (DepEd).

Ang naturang anomalya ay nabuko mismo ng Commission on Audit (CoA) kung saan ay sinabi nilang masyadong mahal ang isang P58,300 na laptop, gayung ang inaprubahan lamang na pondo ay P35,046.50 per unit.

Ang masaklap, mabagal at outdated na ang mga ito na hindi na kaaya-ayang gamitin ng ating mga mag-aaral.

Nangyari ang naturang anomalya sa mismong kasagsagan ng pandemya na kung kailan sana dapat tulungan ang ating mga kabataan para sa kanilang ‘online class’ noong unang sigwada ng pandemya ay doon pa nagsamantala ang mga magnanakaw sa pamahalaan.

Dapat, kung nakuha nilang ipa-subpoena si Rodriguez, ang sunod naman nilang ipa-subpoena ay mga DepEd officials o mga matataas pang opisyales ng pamahalaan para naman papanagutin sa P2.4 billion anomalya sa laptop.

Bukod dito, dapat ding pagtuunang pansin na ng Senado ang tungkol naman sa kabi-kabilang text scam na natatanggap natin.

Pansin ko kasi, kapag wala silang nakukuhang sa Malakanyang, lalo sa executive secretary, parang wala silang ganang maglunsad ng senate inquiry in aid of legislation.

Lalo lang silang nabubuko na may maitim silang balak para lamang siraan si PBBM at ES Vic Rodriguez.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036

The post IMBESTIGAHAN N’YO NAMAN ANOMALYA P2.4 BILLION LAPTOPS NG DEPED AT TEXT SCAM! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
IMBESTIGAHAN N’YO NAMAN ANOMALYA P2.4 BILLION LAPTOPS NG DEPED AT TEXT SCAM! IMBESTIGAHAN N’YO NAMAN ANOMALYA P2.4 BILLION LAPTOPS NG DEPED AT TEXT SCAM! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 07, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.