Facebook

PNP CHIEF, R4A DIRECTOR, LT. COL ROTOL MAY TONGPATS SA TANAUAN?

DAPAT kumilos si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., paimbestigahan ang isang OCAMPO na gumagamit, ipinapangolekta ang kanyang pangalan ng lagay o protection money sa di kukulangin sa 30 financiers ng operasyonng Small Town Lottery (STL)-con jueteng na namamayagpag sa Tanauan City.

Gasgas na gasgas ang pangalan ni Gen Azurin Jr. sa panggagamit ni OCAMPO, kilala ding illegal drug kingpin sa CALABARZON area at STL operator din sa Tanauan City at iba pang panig sa lalawigan ng Batangas, para makapanghingi ng tongpats na kanya umanong ibibigay kada-linggo sa butihing heneral, ayon sa insider ng SIKRETA na isa ding gambling lord na hinihingan na ni OCAMPO ng lingguhang tara.

Si OCAMPO ay may rebisahan ng taya sa STL-con jueteng na kung tawagin din ay bookies ng STL sa Brgy. Bagbag, Tanauan City na ginagamit din ng mga ito sa bentahan ng shabu.

Bukod kay Gen Azurin Jr., ipinanghihingi rin ni OCAMPO ng regular weekly payola si PNP Region 4A Chief PBG Jose Melencio Nartatez Jr., sa utos umano ng isang Tanauan City Police police official para plantsado na tatakbo ang STL-con jueteng sa lungsod na dekada na ang operasyon.

Katuwang ni OCAMPO sa pangongolekta ng weekly protection money sa sugal at droga para sa pangalan ni Gen. Azurin Jr., PBG Nartatez Jr., Batangas PNP Provincial Director PCol. Perdo Soliba at ilang mga matataas na opisyales ng PNP, ay sina alias Ding Rodriguez, alias Sgt. Aguas at Tata Boy.

Si alias Ding Rodriguez ay mula sa Metro-Manila na binitbit ng isang top PNP police official, para maging kolektor nito ng lagay sa R4A, samantalang si alias Sgt Aguas ay beteranong intelhencia kolektor ng ilang mga heneral sa Camp Crame at Metro-Manila habang si Tatay Boy naman ay taga-Bulacan ngunit ilang taon na ding ginagamit ang pangalan ng tanggapan ng mga PNP director general at CIDG para nakapangikil ng protection money sa mga ilegalista.

Kaya dapat na ipadakma na ni Gen. Azurin Jr. sina alias OCAMPO, Ding Rodriguez, Sgt. Aguas at Tata Boy sa kanyang mga operatiba, kung di aaksyon sina PBG Nartatez Jr. at Col. Soliba.

Malamang nito ay walang kamalay-malay sina Gen. Azurin Jr. at kanyang mga opisyales na napakabantot na ng kanilang pangalan sa Batangas at sa buong CALABARZON area dahil sa kawalanghiyaan nitong sina OCAMPO alias Ding Rodriguez, Sgt. Aguas at Tata Boy.

Maging sa mga sugal lupa tulad ng sakla, sabungan na may saklaan tulad ng nasa Tombol Cockpit sa Brgy. Quilib, bayan ng Rosario, Batangas, peryahan may sugalan (PERGALAN) sa buong CALABARZON, saklang patay, burikian, illegal van terminal at iba pang kailigalan ay nakataripa din ang pangalan nina Gen Azurin Jr.

Ang ilan sa gambling con drug pusher na nakolektahan na nina OCAMPO ng Php 5 milyon monthly para para sa pangalan ng isang Tanauan City Government official at Php 5 milyon din para sa grupo nina Gen Azurin Jr. ay sina Melchor Taba, Ablao, alias Konsehal Burgos, alias Mayor Benir at Kon Angel, Lito at Kon. Perez, ng Brgy Darasa at Brgy. 7, Poblacion Proper, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Emil, Ramil, Aldrin ,Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, Tano ng Brgy. Trapiche at Rodel ng Brgy. Sambat.

Ang iba pang gambling drug pusher con gambling operator sa Tanauan City ay kinabibilangan ng mga babaeng iligalista na sina alias Donna at Anabel na nagmamantine ng rebisahan ng taya sa jueteng at bentahan ng shabu sa Brgy. Pantay na Matanda at Brgy. Trapiche at Lilian ng Brgy. Sambat ng naturan ding siyudad.

Ang iba pang drug pusher con -jueteng operator sa Batangas ay sina alias Willy Bokbok sa bayan ng Nasugbu at alias Timmy na nag-ooperate naman sa mga munisipalidad ng San Pascual at Mabini.

Pinahinto ng nanalong Mayor Sonny Collantes ang STL-con jueteng pag-upo nito noong hulyo 1, 2022 ngunit muling nagbalik noong August 18.

Ang pagbabalik ng naturang sugal sa Tanauan City ay nagdulot ng pagdududa sa naging desisyon ni Mayor Collantes matapos ding kumalat ang balitang Php 6 milyon na payola sa isang mataas na opisyal ng lungsod na nang malaunan ay pinababa sa Php 5 milyon.

Kung tunay na para sa grupo nina Gen Azurin Jr. ang kinukubra ding protection money ni OCAMPO na halagang Php 5 milyon na hinahati sa Php 1.250 milyon kada isang linggo ay aabot sa kabuuang Php 10 milyon na ang nananakaw sa PCSO ng mga gambling operator sa Tanauan City pa lamang?

Kaya paano pa mapapataas ang koleksyon ng PCSO sa ilalim ng pamunuan nina Chairman Junie Cua at General Manager Mel Robles kung di masusugpo ang mga katarantaduhang ito sa Tanauan City?

Kung paano muling sumulpot ang nasabing sugal sa lungsod, si OCAMPO ang naging susi at kumausap umano kay Mayor Collantes, ayon pa sa source ng SIKRETA. May ulat pang si OCAMPO ay regular nang nakikita kasama ang kaututang dila na dating kongresista turned city executive Mayor Sonny Collantes.

Dahil nababahiran na ang kanilang imahe, dapat ay patawag din ni Gen Azurin Jr. sina PBG Nartatez Jr., Col Soliba at Lt. Col Antonio Rotol Jr., pananagutin ang nasabing tatlong opisyales kung bakit nagagamit ang kanilang mga pangalan ng sinasabing OCAMPO na isang certified na iligalista na involved , di lamang sa sugal kundi sa salot na droga.

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.

The post PNP CHIEF, R4A DIRECTOR, LT. COL ROTOL MAY TONGPATS SA TANAUAN? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PNP CHIEF, R4A DIRECTOR, LT. COL ROTOL MAY TONGPATS SA TANAUAN? PNP CHIEF, R4A DIRECTOR, LT. COL ROTOL MAY TONGPATS SA TANAUAN? Reviewed by misfitgympal on Setyembre 07, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.