Facebook

BUNGI ANG GRUPONG CHINA-DUTERTE SA GOBYERNO

MALINAW ang patakarang panlabas (foreign policy) na ibinaba ni Enrique Manalo, kalihim ng DFA, noong Huwebes. Sa harap ng mga Kamara de Representante, sinabi ni Manalo, isang beteranong sugo, na nakasandal sa dalawang haligi ang foreign policy ng bansa: Una, hatol ng Permanent Court of Commission (PCA) tungkol sa asunto inilatag ng Filipinas laban sa China tungkol sa pagmamay-ari ng South China Sea; at ikalawa, ang pananatili ng United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS) bilang isang tratadong multilateral na kinakapitan ng bansa upang pakinabangan ang mga maritime entitlement na idinudulot ng kasunduan.

Nanalo ang Filipinas sa asuntong iniharap laban sa China. Idineklara ng PCA sa isang desisyon noong ika-12 ng Hulyo, 2016 na hindi pag-aari ng China ang halos kabuuan ng South China Sea. Hindi kinatigan ng PCA ang pag-angkin ng China sa mayamang karagatan dahil hindi totoo ang ibinandong “historical rights and presence.” Walang batayan sa kasaysayan at anumang kasulatan na pagmamay-ari ng China ang South China Sea.

Mahalaga ang desisyon sapagkat ito ngayon ng batayan ng Estados Unidos at iba pang bansa upang maglayag sa South China Sea ang kanilang sasakyang pangkaragatan. Hindi makapalag ang China kahit malayang maglayag ang mga barkong pandigma ng Estados Unidos, Japan, Australia, at iba pa sa South China Sea. Mahalaga rin ang desisyon para sa Filipinas upang pigilan ang China sa pag-angkin sa mga isla sa West Philippine Sea, ang bahagi ng South China Sea na nasa exclusive economic zone (EEZ) ng Filipinas.

Napakahalaga ang UNCLOS sapagkat ibinigay ng tratadong ito ang karapatan sa Filipinas na pakinabangan ang mga yamang dagat na sumasakop sa EEZ, o ang karagatan na 200 milya sa dalampasigan ng bansa. Kinakamkam ng China ang mga yamang dagat dahil sa pag-aakala at pag-aangkin ng sila ang may-ari ng South China Sea. Malinaw na bawal ito sa ilalim ng UNCLOS at 2016 arbitral award. Ito ang tema ng pahayag ni Manalo sa pagdinig ng panukalang budget para sa 2023. Humihingi ang DFA ng budget na P20.304 bilyon, o .39% ng kabuuang panukalang pambansang badyet na P5.26 trilyon para sa 2023.

Dahil sa pahayag ni Manalo, binungi niya ang magkasanib na paksyon ni Rodrigo Duterte at China sa gobyerno ni BBM. Hindi na namayagpag ang Duterte-China paksyon upang igiit ang anuman bagay na pabor para sa Beijing. Sa nakaraang pagdinig, kapansin-pansin ang katahimikan ng paksyon ni Duterte. Hindi sila nagsalita upang ipagtanggol si Duterte at Beijing sa nakakasulasok na pagkampi sa China. Mistula silang tinanggalan ng bayag. Nakasalalay ang katatagan ng Silangan Asya sa pagkilala sa arbitral award at UNCLOS.

***

KAPANSIN-PANSIN ang hindi pagtalakay sa usapin ng pagbabalik ng Filipinas sa Rome Statute, ang tratado ng maraming bansa na bumuo sa International Criminal Court (ICJ). Matatandaan na walang kaabog-abog na tumiwalag ang Filipinas sa Rome Statute. Utos ni Rodrigo Duterte ang pagtiwalag at tanging siya at ang kanyang tagapato tulad ni harry Roque ang nagdesisyon sa pagtiwalag. Hindi ito sumailalim ng anumang talakayan.

Dahil naharap siya ng demandang crimes against humanity sa ICC, iniutos ni Duterte ang pagtiwalag kahit walang malinaw na batayan. Kapritso ito ni Duterte. Mabuti na lamang at umusad ang mga demanda na iniharap ni Sonny Trillanes at Gary Alejano at ilang NGO sa ICC. Ngayon, kasalukuyan kumikilos ang demanda at uumpisahan anuman oras mula ngayon ang formal investigation. Matindi ang kaba ni Duterte at ang 63 opisyal na sangkot dahil maaari silang iutos na hulihin at dalhin sa The Hague kung saan naroroon ang kulungan ng ICC. Pilit nilang itinatanggi na walang poder ang ICC upang litisin sila.

Maganda sana kung itatanong ang posisyon ng DFA tungkol sa mungkahi na bumalik ang Filipinas sa Rome Statute. Magandang malaman ang pananaw ni Manalo at DFA dahil hindi pinag-isipan ng maayos ang pagkalas sa Rome Statute. Tulad ng sinabi ko, kapritso lang ni Duterte ang desisyon. Alam ng bansa ang pagiging sumpungin ng dating pangulo.

***

HINDI namin alam kung ano talaga ang gusto ng Deped. Noong una, gusto nilang ibalik ang ROTC. Nang mariing tinutulan dahil wala na sa panahon ang ROTC, tuluyan nawalan ng kibo ang Deped. Ngayon, gusto naman nilang patawan ng ban ang extracurricular activity. Teka, normal bang mag-isip ang mga taga-Deped lalo na ang kalihim na si Sara Duterte?

Mukhang hindi sayad sa lupa ang mga taga-DavaoCity na kasama ni Sara ngayon sa Deped. Kung ano-anong mungkahi at kaisipan ang kanilang isinusubo sa kanilang pinuno na walang tinatagong galing. Kawawa ang bansa sa uri ng kanilang pamumuno. Wala matwid sa katwiran.

Hindi lang Deped ang may problema. May problema rin sa panukalang budget ng OVP. Tatlong ibayo ang gustong ilaki ng budget ng OVP. Mula P703 milyon, nais ni Sara na gawin itong P2.3 bilyon sa 2023. Walang naman binanggit kung ano ang gusto nilang gawin. Wala naman gagawin ang pangalawang pangulo kundi hintayin matigok ang nakaupong pangulo.

Hindi pa tapos iyan. Humihingi rin ang OVP ng P500 milyon bilang confidential fund. Hin malinaw kung saan gagamitin ito. Teka dahil wala itong audit, hindi malayo na nanakawin lang ito. Legal na pagnanakaw ang intelligence fund. Walang ganyan budget ang OVP noong nakaupo pa si Leni Robredo. Hindi kasi niya kailangan.

***

HINDI namin alam kung normal ang pag-iisip ni Francis Tolentino. Noon 2019, iminungkahi niya sa Senado na ratipikahin ang anumang tratado o kasunduan sa pagitan ni Rodrigo Duterte at Xi Jinpi. Wala siyang naiharap na anumang opisyal na kasunduan na nakasulat. Basta magtiwala kay Duterte na isang malaking kagaguhan na tanging isang gago lamang ang nakapagsabi at nagmungkahi. Pinagtawanan si Tolentino. Tumigil siya sa wakas.

Kamakailan, humirit uli si “Salivatic,” o Boy Laway. Nagmungkahi na magkaroon ng utos kung saan iniulat ng bawat Filipino ang kanilang kaanak na may kaugnayan sa mga organisasyong Terorista. Muling napaso ang gago. Santambak na pagtanggi at tawanan ang nangyari. Inulan siya ng batikos. May magandang mungkahi si Mike Suarez, isang retiradong mamamahayag. Bakit hindi gumawa si Tolentino ng isang batas na oobligahin ang bawat mamamayan na iulat ang kanilang kamag-anak na nagnanakaw sa kaban ng bayan?

***

MGA PILING SALITA: “Stop calling her madumb. Ikaw nga hindi naka graduate. At ikaw naman hindi nakapasok sa UP. At ikaw hindi naka aral sa foreign school. Sorry only qualified people can call her dumb. You don’t have the credentials. You’re more ordinary than the most ordinary. She is blessed.” – Leni TL, netizen

“Ang confidential & intelligence funds ang PORK BARREL ng EXECUTIVE BRANCH. Ang OVP under SARA w/o H,na binibigyan for the first time ng P500-M such funds in the 2023 budget is a classic example. They’re difficult to audit & easy to steal.” – Atty. Manuel Laserrna Jr., netizen, social critic

“Look, PH Is a coastal country, having a coastline of 18,000 km. and coastal water area of 266,000 sq km. That surpasses other self-sufficient small asian countries. How come we must import fish and even salt? Why not focus on tapping our vast resources and stop importation?” – Leandro Rivas, netizen

“Because of Ninoy Aquino’s death, Ferdinand Marcos is undeniably the villain of history.” – PL, netizen

The post BUNGI ANG GRUPONG CHINA-DUTERTE SA GOBYERNO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BUNGI ANG GRUPONG CHINA-DUTERTE SA GOBYERNO BUNGI ANG GRUPONG CHINA-DUTERTE SA GOBYERNO Reviewed by misfitgympal on Setyembre 01, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.