Facebook

Dating sundalo timbog sa shabu

NAGA CITY – Aabot sa P3.4 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng PNP sa isang dating sundalo na naging tulak ng ipinagbabawal na gamot sa Calabanga, Camarines Sur.

Kinilala ang naaresto na si Alvin Bonifacio, 33 anyos, dating sundalo at residente ng Barangay Sta. Cruz, Calabanga.

Sa ulat, ikinasa ang operasyon 11:50 ng gabi sa bahay mismo ni Bonifacio, kungsaan 10 gramo ng shabu ang nabili ng tumayong poseur buyer sa halagang P20,000.

Maliban sa nakuha sa bulsa ni Bonifacio, nakasamsam pa ang mga otoridad ng 500 gramo ng shabu na nakalagay sa 3 plastics na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P3.4 million.

Napag-alaman na natanggal sa pagiging sundalo si Bonifacio pagkatapos na magpositibo ito sa random drug testing sa na isinagawa ng Philippine Army.

The post Dating sundalo timbog sa shabu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dating sundalo timbog sa shabu Dating sundalo timbog sa shabu Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.