Facebook

Janella inokray ng bashers ang Valentina costume

Ni WALLY PERALTA

HINDI rin nakalusot sa mga bashers ang naging costume ni Janella Salvador bilang Valentina sa seryeng “Darna: The TV Series”. Maraming naokrayan sa naturang costume ni Valentina noong una siyang lumantad sa serye. Janella’s version of Valentina features iconic snake eyes, scaly green skin, and snakes for hair while wearing a dark-colored cape.
“Special announcement for the vadengs (gays): That wasn’t V’s final costume. Don’t worry. We got you,” say ni Janella.
Inamin din ni Janella na ang pagiging Valentina niya ay isa sa nagbigay sa kanya ng lakas ng loob bilang isang single mom, bukod siempre sa kanyang inang si Jenine Desiderio na tulad ng kalagayan ni Janella ngayon, ay isa ring single mom.
Hindi na rin naman lingid sa lahat na hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak, si Markus Paterson.
“Relate ako kasi si Valentina ‘pag meron siyang ipinaglalaban, as long as alam niyang nasa tama siya ilalaban niya talaga. Gano’n ako as a person as long as wala akong natatapakan, kasi I like learning. I like challenging myself.
And for my mom, siguro kasi I saw her growing up, kung paano siya, she was able to raise us on her own. So siguro na-embody ko rin kung paano niya gustong maging to be independent as well,” dagdag na say pa ni Janella.
***
ISA sa talagang pangarap ni Angeli Khang bilang isang artista ay ang mapansin ang kanyang kakayahan sa pag-arte at hindi lang sa paghuhubad kung saan siya nakilala ng masa.
Kaya ganun na lang ang kasiyahan ni Angeli nang pulos magagandang komento ang kanyang natanggap at marami rin ang nagalingan sa kanya pagdating sa dramatic scenes sa ongoing original series niya na
‘Wag Mong Agawin ang Akin’ kasama sina
Jamilla Obispo as Christine, Felix Roco as Tom, Aaron Villaflor as Ryan, Yayo Aguila as Aaron’s mom, Josef Elizalde as Felix’ best friend and Angelica Cervantes as Angeli’s best friend.
“Nakakatuwa ang comments na nababasa ko about our series. Buti naman at nagustuhan nila as we really did our best with the help of our director, Mac Alejandre. Gustong-gusto raw nila not just the love scenes but even more the dramatic confrontation scenes we have in the show,” say ni Angeli.
At tiyak sa huling tatlong linggo ng adult drama na ‘Wag Mong Agawin ang Akin’ ay marami pang pasabog na eksena si Angeli. Ngayong alam na ni Jasmine (Angeli Khang) na ang secret girlfriend ni Tom (Felix Roco) ay ang kanilang boss at kanyang idol na si Christine (Jamilla Obispo), susubukan nang makipaghiwalay ni Jasmine kay Tom bago pa man malaman ni Christine. Pero gumagalaw na ang galamay ng kasamaan, sa katauhan ni Ryan (Arron Villaflor). Makikita ni Christine ang private photos ng dalawa na magiging dahilan ng kanyang galit. Ngunit paano kaya tatanggapin ng dalawang babaeng magkaagaw ang rebelasyon na silang dalawa ay mag-ina? Sino ang magbibigay at sino ang magpaparaya?
Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

The post Janella inokray ng bashers ang Valentina costume appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Janella inokray ng bashers ang Valentina costume Janella inokray ng bashers ang Valentina costume Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.