PULAHAN, kaliwa, militante, rebelde, ano pa man ang itawag natin sa mga komunistang-terorista sa bansa, na Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), walang ibang iniilagan ang mga ito kung di ang pagdedeklara ng Martial Law noong September 21,1972.
Kahit na may sariling ginugunita ang CPP-NPA-NDF ng kanilang anibersaryo gaya ng kada December 26 para sa CPP, at March 29 naman sa NPA, ang anibersaryo ng Martial Law ay napakahalaga para sa kanila at di nila ito makakalimutan.
Ito kasi ang araw kung saan nadismaya na sa kanilang panggugulo ang dati at namayapa ng ama ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) na si Ferdinand Marcos Sr., na siyang nag-umpisa ng pakikipaglaban sa mga komunistang-terorista, sa pamamagitan ng pagdedeklara ng Martial Law, upang matigil na ang paghahasik ng kaguluhan ng mga miyembro nito, na noong panahong iyon ay dumadami na.
Ngayong halos wala na tayong marinig kung sino ang tumatayong lider ng CPP-NPA-NDF, bukod sa manloloko nilang pinuno na si Jose “Joma” Maria Sison na iniwanan ang kanilang pakikipaglaban sa pamahalaan at masaganang namumuhay na sa Netherland, parang manok o pato na tinapyasan ng ulo ang samahang ito sa ngayon.
Gugunitain man ng komunistang-terorista ang araw ng deklarasyon ng Martial Law (Sept. 21) ngayong taon, ay di na rin magagawa nitong mag-ingay o manggulo, dahil nga wala na silang tumatayong ulo ng kanilang maling samahan.
Hindi na sila makakagawa ng malalaking operasyon o pagsalakay sa mga tropa ng pamahalaan, dahil wala nga silang lider na.
Meron man nagpapakilalang Chief Information Officer sa katauhan ng isang Marco Valbuena ay wala rin dating, lalo na ang mga pinagsasabi nito. Dahil mahinang-mahina na ang pwersa ng CPP-NPA-NDF at karamihan sa kanila na dumadanas na ng kagutuman sa mga kabundukan, ay sumuko na at nagbalik-loob sa pamahalaan para maituwid ang kanilang mga buhay.
At tulad ni Joma, na ngayon ay 81 years old na, ang CPP-NPA-NDF ay isa nang samahan ng mga senior citizen na maituturing, dahil kaedaran ni Joma ang mga nalalabing matataas na miyembro nito. Yaon ngang napabalitang namatay sa pagsabog ng pumpboat na mag-asawang Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon, ay matatanda na rin bago napatay sa pagtugis ng militar.
Marahil, mas magandang magsisuko na rin ang matatandang opisyal o miyembro ng CPP-NPA-NDF, at kahit na ang mga batang miyembro nito, wala na kasing mangyayari pang maganda sa kanilang pakikipaglaban sa pamahalaan. Baka ito pa ay kanilang kama’tayan.
Ang deklarasyon ng Martial Law ang nagsimula ng pagkalusaw ng CPP-NPA-NDF.
The post DEKLARASYON NG MARTIAL LAW, ILAG ANG PULAHAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: