Facebook

MPT SOUTH AT ONE CAVITE TRANSPORT CONSORTIUM NAGSANIB-PUWERSA PARA SA ORYENTASYON SA KALIGTASAN NG MGA BUS DRIVER

Isinagawa ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), ang pinakamalaking in-person “Drayberks” road safety seminar nito sa loob ng nakalipas na dalawang taon, ngayong pandemya.

Sa pakikipagtulungan sa One Cavite Transport Consortium Inc., at Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), higit kumulang limampung (50) bus drivers mula sa mga bus transportation companies na Saulog Transit, Westcaboa, at Saint Anthony De Padua ang muling naturuan at napaalalahanan ng kahalagahan ng road safety lalo na ngayong dumarami na muli ang mga sasakyan sa kalsada. Ang mga public utility drivers na ito ay ilan sa mga tsuper na araw-araw tinatahak ang Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX).

“Patuloy ang MPT South sa pagsusulong ng adbokasiya ng pagbibigay halaga sa road safety, lalo na ngayong unti-unti ng bumabalik sa pre-pandemic numbers ang mga bilang ng mga sasakyang tumatahak sa kalsada. Sa tulong ng aming programang Drayberks, layun naming defensive drivers ang mga nagsisilahok dito. Mahalagang mabigyan ng prayoridad ang road safety hindi lamang para sa mga PUV drivers na naging kalahok sa programa, kundi maging sa iba ring mga motorista na gumagamit ng daan,” ani Ms. Arlette Capistrano, Assistant Vice President for Communication and Stakeholder Management ng MPT South.

“Lubos po kaming nagpapasalamat sa pamunuan ng MPTSouth (CAVITEX at CALAX) dahil sa pagkakataong ito na mabigyan ng seminar ang aming mga driver. Una palang po ito sa sunod sunod na mga session,” ani Mr. Droy Jalbuna, Operations Head ng One Cavite Transport Consortium, Inc.

Ang Drayberks ay isang award winning road safety program ng MPT South na nagkamit ng Silver Anvil Award noong taong 2019 mula sa Public Relations Society of the Philippines. Ngayong kasalukuyang taon ay nagawaran rin ito ng Merit Award for Communication Management ng International Association of Business Communicators Philippines (IABC Philippines).

Ang MPTC ay ang pinaka malaking toll road builder at operator sa bansa. Bukod sa CAVITEX, kabilang sa domestic portfolio ng MPTC ang concessions para sa CAVITEX C5 Link, Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.

The post MPT SOUTH AT ONE CAVITE TRANSPORT CONSORTIUM NAGSANIB-PUWERSA PARA SA ORYENTASYON SA KALIGTASAN NG MGA BUS DRIVER appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MPT SOUTH AT ONE CAVITE TRANSPORT CONSORTIUM NAGSANIB-PUWERSA PARA SA ORYENTASYON SA KALIGTASAN NG MGA BUS DRIVER MPT SOUTH AT ONE CAVITE TRANSPORT CONSORTIUM NAGSANIB-PUWERSA PARA SA ORYENTASYON SA KALIGTASAN NG MGA BUS DRIVER Reviewed by misfitgympal on Setyembre 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.