MATAPOS ang nakapapasong init ng kampanya ni Tanauan City Mayor Sonny Collantes laban sa iligal na sugal at bentahan ng droga na karamihan sa mga operator ay mismong mga barangay leader at mga tigasing grupo na kilala sa tawag na BARAKO, ay bigla na lamang itong nanlamig.
Ang nakadidismaya, itinaon pa naman sa paghupa ng mahigpit na anti-gambling at kontra-droga sa may 48 na barangay sa Tanauan City sa pagsulpot ng nagpakilalang emisaryo ng isang mataas na Tanauan City government na siya pa mismong nang-enganyong muling magbukas ng kanilang operasyon (drug/gambling) sa nasabing lungsod.
Nauna rito ay iginiit ng naturang emisaryo ang halagang Php 6 milyon kada buwan na protection money para sa kanyang boss na city hall official, na sa dakong huli naman ay naibaba na lamang ang nasabing tongpats, suhol, lagay o intelhencia sa halagang Php 5 milyon monthly.
Kaya naman mainit na pinag uusapan ngayon, hindi lang sa Tanauan City kundi sa buong lalawigan ng Batangas ang pananahimik at ‘di pagkilos ni Mayor Sonny Collantes sa muling pagsulpot ng STL con jueteng at STL-con drug sa kanyang siyudad na agaran niyang ipinasara nang ito ay maupo bilang alkalde noong Hulyo 1, 2022.
Nakumpirma ng SIKRETA ang ulat na muling nagbukas ng kanilang drug/gambling operation ang mga noturyos na ilegalistang sina alias Ocampo ng Brgy. Bagbag, Kon. Burgos, alias Mayor Benir, Kon Angel, Melchor at Ablao ng Brgy. 7 at Brgy Darasa, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Lito ng Putuhan, ng Brgy. 7 at Kon. Perez pawang ng Poblacion Proper, Emil, Ramil, Aldrin ,Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, Tano ng Brgy. Trapiche at Rodel ng Brgy. Sambat.
Ang iba pang gambling con-drug operator sa Tanauan City ay kinabibilangan din ng mga babaing ilegalista na sina alias Ms. Donna at Ms Anabel na nagmamantine ng rebisahan ng taya sa jueteng at bentahan ng shabu sa Brgy. Pantay na Matanda at Brgy. Trapiche at Ms. Lilian ng Brgy. Sambat.
Kumpirmado din ng inyong lingkod na muling rumatsada ang naturang sugal noong August 18, 2022, may isang buwan at labing pitong araw matapos iutos ng kahahalal na Mayor Collantes na ipasara ang operasyon ng STL bookies sa naturang lunggsod sa alibi na kailangang pataasin ang collection ng main o Philippine Charity Sweepstakes Office Branch sa nasabing lungsod.
Kaya naman nagkakanda-kumahog si Tanauan City Police Chief, P/Lt. Col. Antonio Rotol para sa pagtalima sa atas ni Mayor Collantes na nagresulta sa pansamantalang paghinto ng operasyon ng hindi kukulangin sa may 30 gambling/ drug maintainer sa nabanggit na siyudad na karamihan ay nabanggit natin sa ating pitak.
Dahil sa aksyong ito ni Mayor Collantes, siya ay hinangaan, ‘di lamang ng kanyang mga kababayan kundi maging ng ilang grupo ng anti gambling advocates, ganon din ng PCSO na pinamumunuan ngayon ni dating Congressman Junie Cua bilang Chairman at Gen. Manager Mel Robles.
Ang STL- con jueteng ay matagal nang namamayagpag sa Lungsod ng Tanauan na naging dahilan din ng pagdami ng droga at krimen sa lungsod na pinamuan noon ng kilalang political clan na Halili family.
Pero sa muling pagbabalik kamakailan lamang ng STL con jueteng sa Tanauan City, milyong kuwestiyon nga ngayon ang umuukilkil sa utak ng mga residente, tinatanong kung totoo nga bang incorruptible at magaling na lingkod bayan si Mayor collantes?
Kung napahinto niya ang nasabing sugal sa pamamagitan lamang ng tawag sa Police chief, LtCol. Rotol Jr., kayang kaya rin niyang muling tawagan ang kanyang hepe ng kapulisan ( LtCol Rotol Jr.) para ipahinto ang STL con jueteng?
Ngunit sa ngayon ay hindi ginagawa ng butihing alkalde ang nararapat, kaya sa sirkulo ng kapulisan at maging sa media, pinag- uusapan ang isang nagngangalang Ocampo na siya ring financier ng STLcon jueteng sa Brgy Bagbag na siyang umiikot sa mga gambling at drug lords para ipangotong si alias Collantes.
Nakatitiyak ang inyong lingkod na di pa nakakarating ang maalingasngas na balitang ito sa kaalaman ni Mayor Collantes?
Ipinagmamalaki pa ng taong ito (Ocampo) na kilala din sa larangan ng bentahan ng bawal na droga di lamang sa Tanauan City kundi maging sa buong probinsya na siya ay sugo ng mataas na opisyal ngTanauan City goverment para makapangilak ng Php 6 milyon kada buwan.
***
Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.
The post ‘DI PAG-AKSYON NI MAYOR SONNY COLLANTES, KADUDA-DUDA? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: