AKO’Y labis na nagtataka kung bakit inaabot ng taon bago maibigay ang social pension sa mga probinsiya, samantalang sa Metro Manila ay updated! Ano kaya ang problema?
Dapat nga ay unahin ang pamamahagi sa mga probinsiya dahil mas mahirap ang pera sa lalawigan, kailangang kailangan ito ng ating indigent senior pensioners para pambili ng kanilang maintenance o masustansiyang pagkain.
Kaso, inaabot ng taon bago nila matanggap ang kakarampot na social pension mula sa national govt., P500 kada buwan. Lalo lang nagkakasakit ang matatanda sa kaiisip kung kailan matatanggap ang kanilang pang-maintenance. Kadalasan nga ay patay na ang matanda, wala pa ang pension! Animal!!!
Samantalang sa Metro Manila, kungsaan mas madaling dumiskarte ng pera, updated ang pension nina lola’t lolo.
Ano ba ang pagkakaiba ng social pensioners sa National Capital Region at sa mga probinsiya partikular sa malalayong lalawigan? Iisang appropriation lang naman ito, inire-release ng Department of Budget sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), pero bakit nade-delay ng halos isang taon ang sa mga lalawigan? Ano bang problema, Sec. Erwin Tulfo?
Actually, hindi si Sec. Tulfo ang sinisisi natin dito kundi ang nakaraang pamunuan ng DSWD (Duterte administration). Dahil 2 months palang naman ang kasalukuyang kalihim ng DSWD.
Kaya nananawagan tayo kay Sec. Tulfo na imbestigahan ang sobrang pagkaka-delay ng social pension sa mga lalawigan, example sa Romblon. Aba’y mag-isang taon nang hindi nakakatanggap ang senior pensioners sa lalawigang ito, Sec. Erwin! Pls investigate, pare ko…
Kung dito sa tig-P500 kada buwan ay inaabot ng taon bago maibigay sa promdi seniors ang kanilang social pension, what more kapag naging P1,000 kada buwan na ito? Baka kamatayan nalang ng matatanda ang paghihintay rito, Sec. Erwin?
Sabi kasi ng Department of Budget, hindi kasama sa 2023 proposed budget na P5.8 trillion ang dagdag na pension ng senior citizens. Kaya malabo raw itong maibibigay hangga’t hindi nahahanapan ng Kongreso ng mapagkukunan. Araguy!!!
Sabi ng mga breeder ng manok panabong, payagan nalang uli ang online sabong para may mapagkukunan ng pondo. Hahaha… Higit P3 billion a month din kasi ang revenue rito ng gobyerno. Pero sabi ni Pangulong “Bongbong” Marcos: “No way!”
Dapat si Senador Joel Villanueva ang maghanap ng pondo para sa P500 dagdag na pension ng seniors dahil siya ang may akda ng batas na ito eh.
Pero bago ang dagdag na yan, ayusin nyo muna ang pamamahagi ng social pension sa mga lalawigan. Mag-isang taon nang hindi nakakabili ng gamot sa rayuma ang mga promdi seniors, Sec. Erwin!
Teka, baka naman minamaniobra ng mga namamahala ng DSWD sa probinsiya ang pondo para sa social pension? Kasi nga sa NCR ay updated ang pension ng seniors habang sa mga lalawigan ay delayed ng halos isang taon, mayroon pang halos 2 taon.
Pls investigate this matter, Sec. Erwin.
The post Social pension sa NCR updated, bakit sa mga probinsya sobrang delayed? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: