INIIMBESTIGAHAN ngayon ang rebelasyon ng isa sa mga salarin sa paggahasa at pagpatay kay Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas na umano’y inalok siya ng pera ng opisyal ng pulisya para lamang “makipagtulungan” siyang maresolba na ang kaso tungkol dito.
Inakusahan ni Dasmarinas ang hepe ng Police Station 2 na si Major Noel Manalo.
Nangako si Dasmariñas na handa siyang sumailalim sa ‘lie detector test’ upang mapatunayan ang kaniyang sinasabi. Kapag napatunayan sa lie detector test na hindi nagsisinungaling si Dasmariñas, ipagpapatuloy parin ni Senador Raffy Tulfo ang pagtulong dito.
Kung hindi naman nagtugma ang kaniyang mga sinasabi sa lie detector test, puputulin at ititigil ni Tulfo ang pagtulong sa kaniya.
Matatandaang ilang beses nang nagbago-bago ang pahayag ni Dasmariñas tungkol sa kinasasangkutang krimen, kasama ang pinsang si Jovert Valdestamon.
Samantala, itinanggi ni Manalo ang paratang sa kaniya ni Dasmariñas.
The post ‘Killer’ ni Jovelyn Galleno ‘binayaran’ ng pulis? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: