Facebook

Tambalang Joshua at Gabbi inulan ng nega

Ni GERRY OCAMPO

MAY mga hindi magandang comment agad nang mabalitang pagtatambalan nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia sa isang series collaboration project  ng ABS-CBN  at  GMA Network. Comment ng Kapamilya fan na si Joshua raw tiyak ang magdadala ng series kaya kawawa  raw ito.

Kapag nag-rate  raw  ang  series ay parehong mapupuri  sina Joshua at Gabbi, pero pag hindi naging maganda ang rating ay si Joshua ang masisisi. Maging sa acting ng dalawa ay mas lamang daw si Joshua  at  may  nagdududa  kung makakasabay  raw ba si Gabbi?

Natural na magre-react ang fans ni Gabbi at ipagtatanggol na marunong umarte ang actress. Susuportahan nila si Gabbi at sana raw ay wala munang magne-nega sa pagtatambal ng dalawa dahil hindi pa nagsisimula ang project.

Pero mas marami ang masaya at excited sa colaboration project ng Kapamilya at Kapuso network dahil mawawala ang network war. Masaya rin ang viewers na mapapanood sina Gabbi at Joshua sa dalawang sikat na TV network.

Marami rin ang natuwa na parehong Garcia ang apelyido ng dalawa at baka raw magkapatid ang kanilang magiging role sa nasabing series. May nag-suggest tuloy na si Cathy Garcia ang kuning director ng series para Team Garcia ang bubuo ng colaboration TV series project  ng ABS CBN at GMA 7.

Anyway, alam ng lahat na may boyfriend na si Gabbi at si Joshua ay loveless. Pero nandoon pa rin ang pag-aalala ng marami na baka raw mahulog ang loob ng  isa`t isa  oras na magsimula na sila sa naturang series.

***

Jinkee pinagmalaki ang master`s degree ni Manny

Isang  master`s   degree  holder  na ang Pambansang Kamao at former Senator Manny Pacquiao.  Nagtapos siya ng kanyang  master`s sa Philippine Christian University (PCU) kung saan siya kumuha ng Master in Management, Major in Public Administration.

August 27, isa si Manny sa mga nagmartsa sa 79th Commencement Exercises ng PUC na ginanap sa Philippine International Convention Center kasama ang kanyang maybahay na si Jinkee Pacquiao.

“Former Senator Emmanuel  “Manny” Pacquiao (5th from left) poses with fellow  members of Batch 2022, Pacquiao together with about 30 Senate employees, received  their Master`s  degree in Management, Major in Public Administration,”  tweet ng Senate of the Philippines.

Pinost ni Jinkee ang larawan nila ni Manny na suot ang toga at graduation cap.

Matatandaang  last  December 2019, nagtapos si Manny  ng kursong  Political Science, Major  in Local  Government Administration sa University of Makati.

Pero ang pagtatapos niya sa nasabing university ay kaagad nahaluan ng intriga na pinaratangan umano siyang binayaran lang ang kursong tinapos.

***

Sandara tinamaan din ng Covid

Nag-alala ang fans ni Sandara Park nang malaman na tinamaan din ng Covid-19 ang paborito nilang K-Pop idol. Pero kaagad naman ipinarating ni Sandara sa kanyang fans na okey na siya at nagpapagaling na siya sa mapaganib na virus.

“I  was  resting  quietly while  recovering, but  the  article  went  out.  I`m  so worry  that  all  of  this week`s   schedule  has  been delayed. Don`t   worry,  I  was  a  little  sick  on the first  day  with body  aches  &  chills.  I  have  to  take medicine, so I  have to  eat  all  three meals  a  day, so  I  eat  better  than  usual,” simula ni Sandara.

“My  friend  told  me that  I  had  to eat  well, so  I  told  my mom that  it  was  good  for  immunity, so  I  made  a  variety of  miso soup  with  bean  sprouts  and  side  dishes  I  liked  and sent  them to me,” patuloy ni Sandara.

Ang maganda ay masipag pa rin mag-comment ang Filipino fans ni Sandara at kasama sila sa mga nagwi-wish ng mabilis niyang paggaling.

Mabuti na lang hindi sa Pinas nahawa si Sandara ng Covid-19 dahil kung nagkataon ay maba-bad press na naman ang bansa natin sa fans ni Sandara sa South Korea.

The post Tambalang Joshua at Gabbi inulan ng nega appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tambalang Joshua at Gabbi inulan ng nega Tambalang Joshua at Gabbi inulan ng nega Reviewed by misfitgympal on Setyembre 04, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.