Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang mahusay na satisfaction rating ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil nanatili itong popular sa sambayanang Pilipino hanggang sa kanyang mga huling araw sa panunungkulan.
Sinabi ni Go na ang napakahusay na satisfaction rating ni dating Pangulong Duterte ay “tunay na nakakapanatag ng puso” at “pinaka-inspiring” para sa sinumang nasa serbisyo publiko.
“Isang makasaysayang mataas sa mga pangulong Pilipino at isa sa pinakamataas sa mga pinuno ng mga pangunahing demokrasya sa mundo, ang kanyang kahanga-hangang tatak ng pamumuno ay higit na nagpapalakas ng loob ng sinumang lingkod-bayan na magtrabaho nang higit para sa ating mga tao,” sabi ni Go.
Nakatanggap si dating Pangulong Duterte ng all-time record-high +81 net satisfaction score, ayon sa ulat na inilabas noong Biyernes ng polling firm na Social Weather Stations.
Ang iskor, na hango sa mga survey na isinagawa mula Hunyo 26 hanggang Hunyo 29, ang kanyang mga huling araw sa Malacañang, ay nalampasan ang isa pang rekord na itinakda niya, ang +79 na nakuha sa edisyon ng Nobyembre 2020 ng survey.
Tumaas din ang satisfaction rating ni Duterte sa lahat ng rehiyon, kabilang ang Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.
Samantala, sinabi ni Go na sa paglilingkod kay Duterte sa loob ng mahigit 20 taon, nagpapasalamat siya sa dating Pangulo sa pagiging mentor niya.
“Bilang isang simpleng probinsyanong katulad ni Tatay Digong na binigyan ng pagkakataong maging public servant, gagawin ko ang lahat para maipagpatuloy ang mga pagbabagong nasimulan para makapagbigay ng mas komportableng buhay para sa mga Pilipino,” ani Go.
Pinasalamatan niya ang dating Pangulo sa lahat ng gawain at paglilingkod ng huli para sa bansa at sa mga aral na itinuro niya sa mga kapwa lingkod-bayan.
“Maraming salamat, Tatay Digong, sa lahat ng iyong ginawa para sa bayan at sa pinakamahalagang itinuro mo sa amin: ‘Unahin mo palagi ang iyong kapwa Pilipino, hindi ka magkakamali dito’,” pagtatapos ni Go.
The post End-of-term satisfaction rating ni FPRRD pinuri ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: