Facebook

Mayor Honey, hinikayat ang real property owners na magbayad online

HINIKAYAT ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng mga real property owners sa lungsod na magbayad online at sinabing simula nang ipatupad ito ay napakaganda at epektibo na ang serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng tinatawag na e-statement of account (SOA) at e-receipt.

Dalawa ang paraan ng pagbabayad ng real property tax (RPT) at ito ay sa manual o online sa pamamagitan Go Manila app.

Sinabi ng lady mayor, sa pamamagitan ng online system, puwede ng magbayad gamit ang cellphone, Ipad, o computer ang kailangan lang ay mag-apply para sa RPT gamit ang app. Kapag nakapagbayad na ay bibigyan kayo ng kaukulang electronic receipt.

Pagdating naman sa manual payment, binanggit ni Lacuna ang mga posibleng kaharaping suliranin sa pagbabayad patungo sa Manila City Hall. Unang-una na dito ang pagtatanong kung saan ang bayaran ng RPT, sunod ang mahabang pila para makakuha ng SOA, pagkatapos ay panibagong pila para sa pagbabayad naman.

“Ito po ang iniiwasan natin kaya ine-encourage natin ang ating mga kababayan na gusto nang magbayad ng RPT to go online kasi ang kagandahan ng online, may binibigay nang e-SOA at e-receipt,” ayon sa alkalde.

“Once you have entered the Go Manila app, go to RPT payment where you will enter your tax declaration number and property identification number, from which your SOA will appear and then, you can choose whether to pay quarterly or yearly”, paliwanag ni Lacuna.

Kqpag nagawa na ito, sinabi ni Lacuna na maari ng makapamili ang taxpayer kung ano ang gusto nyang paraan ng pagbabayad. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng money transfer, bank o GCash at pagkatapos magbayad ay iisyuhan na siya ng e-OR o e-receipt.

Inanunsyo din ng alkalde na ang magbabayad bago mag- December 10 ay magkakaroon ng 20 percent discount habang ang mga magbabayad naman nang mula December 11 hanggang 29 ay magkakaroon ng 15 percent discount.

Ang magbabayad naman ng January ay magkakaroon din ng ten percent discount. (ANDI GARCIA)

The post Mayor Honey, hinikayat ang real property owners na magbayad online appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mayor Honey, hinikayat ang real property owners na magbayad online Mayor Honey, hinikayat ang real property owners na magbayad online Reviewed by misfitgympal on Setyembre 25, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.