EKSENA sa loob ng mini bus na modern e-jeep daw ngayon( Set.24 ,5pm Sabado).
Sumakay ang lalaki sa may paglampas lang ng Riverbanks Marikina pa-Cubao.
Di pa nakakaupo ang mukhang senior citizen ay larga agad ang minibus kaya natural na out-balance ang mama sa upuan pero hinayaan na lang niya dahil nasanay na siya sa gaspang na ugali ng karamihang drayber.
Hawak ng lalaki ang saktong 13 pesos na minimum pa-Ali Mall sa terminal Cubao.
Balagbag na turan ng konduktor na 20 daw ang kanilang minimum na pinagtaka ng mamang pasahero kung ano ang kaibhan nila sa ibang minibus na 13 ang singil.
Singhal ng kundoktor na boundary daw sila at UV Express.
Para wala nang pagtatalo ay bumunot na ng benteng papel ang mama sabay sabing senior sya.
Wala nang galang ang konduktor na nagtanong ng senior ID sa pasaherong di na lang nag-abalang ipakita ang identification at hinayaan na ang etneb at isoli ang saktong baryang 13 sabay demand ng tiket e wala pala sila nun. Di tulad ng iba na matic after ng bayad. Di na sana kikibo si ginoong senyor pero wala sa hulog na sumabat ang driver at magaspang na pinagtaasan ng boses ang senior na pasahero na dapat ay inihingi na lang ng despensa ang kanyang pahinante.
Aroganteng tsuper na feel nya ay mas me alam sa batas kesa sa kanyang pasahero na mas angat ang estado ng pagkatao kesa sa kanya.
Okey na sana ang sagutan kung ano ang legal at hindi pero sabat ng walang modong konduktor na wag daw awayin ang kanyang driver dahil mapapahamak lang si senyor .Natural sasagot ang mama na walang takutan dahil kung siga sila at matapang ay may baon naman siyang katwiran kontra sa mag-pakner na balasubas sa kanilang mini-bus na dumaraan araw-araw sa teritoryo ng mamang pasahero. Buti na lang ay cooler heads prevailed.
Hindi lahat pero marami at talamak ang mga drivers ng bus. minibus. jeep, taxi, traysikel maging padyak. Ngayon na balik gaspang ng ugali na akala ay angat sila kesa pasaherong ikinabubuhay nila.
Sobrang singil, walang panukli, reckless,sakay pasahero habang umaandar,cutting trips, may kakomplut na holdaper, kabinging magsounds at bumusina,gusgusin at marungis at wa etiket.
Pero noong pandemya, sa kanila unang naawa at umayuda ang gobyernong lagi nilang winewelgahan pag demand sila ng taas- pasahe.
Ngayon, balik na naman ang mga ispoyld at salbahe sa lansangan.
Paging authorities para masupil ang masamang ugali ng mga drivers at konduktor katulad ng magpakner na notorious sa pasahero ( marami nang reklamo)ng mini bus white na may stripes na red at green byaheng Rodriguez – Cubao via Bayan Marikina plate# NEO 6684. Good morning DoTr, LTO, LTFRB, MMDA, HPG, kay Atty. Ariel Inton ng transport advocacy,traffic enforcers at iba pa,sakotehin,disiplinahin nyo na at panagutin ang mga pasaway sa kalsada… ABANGAN!
The post MINI BUS BIYAHENG CUBAO #NEO 6684 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: