Facebook

GRACEFUL EXIT

Likas talaga sa pagkatao ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagiging mabait at mapagmahal na kaibigan.

Kahit pa nga sa likod niya ay gumagawa ng mga kabulastugan at ikasisira ng punung ehekutibo ang isang pinagkakatiwalaang kaibigan ay pilit na inuunawa pa rin niya ito.

Giving him the benefit of the doubt.

Sa kabila ng samut-saring indulto,salto at masasabing kalokohan ay sinisikap pa rin niyang iligtas sa malaking kahihiyaan ang isang pinagkatiwalaang kasama.

Desperately trying to save the face of his trusted but bastard friend.

Nais ng Pangulong BBM na bumuo ng isang masasabing bagong tanggapan sa ilalim ng Office of the President para sumalo at maging shock absorber sa babagsakan ng kaibigang itatapon.

Ngunit tinutulan at sinalungat ito ng karamihan o majority sa mga batikan at respetadong mga advisers ni PBBM sa pangunguna ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Mangangahulugan umano ito ng duplikasyon sa functions and responsibilities sa nature ng trabaho ng mga opisinang nasa ilalim ng Office of the President.

Creating a new department or office to absorbed the so-called “prodigal friend” is unfair to the Filipino people, ayon pa kay Enrile.

Sabit sa iba’t ibang klaseng raket ang tinaguriang “trusted friend” ng Pangulong BBM.

Mula sa “appointment for sale” hanggang sa aborted sugar importation.

Bago pa man umano ang State of the Nation Address ni PBBM nitong buwan ng Hulyo, pinagbibitiw na umano ang opisyal na ito dahil sa mga sumbong ng pangingikil sa mga opisyales na ia-appoint ng Pangulong Marcos Jr. sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.

Maging ang mga opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ang Philippine National Police ay hindi nakaligtas sa “talim” na “trusted friend” ng Pangulo.

Noon pa man sana ay sibak na ito sa puwesto pero dahil sa may pinagsamahan nga ang prodigal official at si PBBM, pinagkalooban pa ng second at third chances ang mamang opisyal.

Napuno na ang salop ika nga at nitong nakaraang linggo lamang kung saan, sa halip na magbago at ayusin ang kanyang trabaho ay tila naging palalo pa at yumabang pa lalo ang nasabing opisyal.

Tila lumaki na ang ulo at di na sumasayad ang mga paa sa lupa.

Pati ang malalapit at personal na kaibigan at kaanak ni PBBM ay direkta nang kinakalaban at binubunggo nang harapan.

The sad fate came noong kaarawan ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ginanap sa Palasyo ng Malacanang.

Para ipamukha sa mamang opisyal ang matinding pagkadismaya ng mga kaanak at malalapit ng kaibigan ng Pangulo, “off limits” sa nasabing birthday celebration ng Pangulo ang opisyal.

Di pinapasok sa mismong venue ng okasyon.

Pati ang “advance party” ng prodigal official ay di rin pinapasok.

Napakasakit hindi po ba dear readers?

Sadyang digital na talaga ang KARMA.

Ang bilis at sadyang nakakarating na kaagad sa mga kinauukulan.

Social media is one of the hardest groups that hit the said prodigal official that sent him crashing to his deserved destination.

Pero dahil edukado ang Pangulong BBM at sadyang likas na mabait na tao, pilit pa rin nitong ipinaglalaban sa lahat na pagkalooban ng isang “GRACEFUL EXIT” ang napariwarang kaibigan.

Kung hindi marahil Pangulo ng bansa itong si PBBM, marahil ay ipinagkibit-balikat na lamang nito ang mga kalokohang ginawa ng itinuturing ng matalik na kaibigan.

Ngunit di lamang sa Pangulo nagtalusira ang nasabing opisyal kundi sa bayan at sa mga mamamayan.

Binigyan ng malaking importansiya ng Pangulo ang interes ng bayan at kapakanan ng bawat Pilipino kung kayat napilitan itong bitawan ang lilong kaibigan.

Sad to say up to this point, wala tayong makitang “remorse” o pagsisisi man lamang o pag-amin man sa mga nagawang kapalpakan ng nasabing opisyal.

Nakakaawa man siyang naturingan, lahat ay nagkakaisa sa pagsasabing “he well deserved what he got in the end”.

Maging leksyon nawa ito sa iba pa nating public servants na nawawala sa sariling bait at wisyo once nakapuwesto na sa pedestal ng kapangyarihan.

May this unfortunate experience serves as a lesson to all.

NO ONE IS INDISPENSABLE.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post GRACEFUL EXIT appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
GRACEFUL EXIT GRACEFUL EXIT Reviewed by misfitgympal on Setyembre 19, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.