Facebook

May covid o wala magsuot parin tayo ng facemask

SA bibig na mismo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. nanggaling na niluluwagan na niya ang pagsusuot ng facemask sa buong bansa.

Pero nilinaw ni PBBM na ang order niya’y hindi sakop ang sa indoor, ibig sabihin kailangan paring magsuot ng facemask ang mga pumapasok sa mall, restaurant, opisina, entertainment centers at public transport.

Ang pagpayag ni PBBM na luwagan ang pagsusuot ng facemask ay base narin sa datus ng Department of Health (DoH) na mababa na ang kaso ng covid sa bansa, halos nasa 80 million na raw kasi ang bakunado at marami narin ang nagpa-booster kaya mayroon nang herd immunity sa virus ang mga Pinoy.

Ang Pilipinas ay mayroong population na higit 112 million, base sa Sept. 11, 2022 data ng Worldometer elaboration ng United Nations.

Well, para naman sa akin, may covid o wala, mas makabubuti na magsuot parin tayo ng facemask kahit sa labas lalo na sa Metro Manila dahil sa masyado nang poluted ang ating hangin dulot ng mga basura sa paligid at usok mula sa mga sasakyan at mga pabrika.

Ang grabeng air polution na ito, sa tingin ko, ang rason kaya tayo nagkakasakit sa baga pati sakit sa balat. Mismo!

Kaya repapips, tutal P5.00 lang naman ang facemask, magsuot parin tayo nito para sa ating ligtas na paglanghap ng hangin lalo kapag tayo’y nasa kalye ng Metro Manila. Yeah!

***

Sabi ni dating PNP Chief ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ang may pasimuno noon ng ‘Oplan Tokhang’ laban sa suspected criminals kungsaan ayon sa rekord ng human rights ay higit 15,000 ang natigok panahon nila ex-President Rody Duterte, kaya talamak na naman ang kidnappings at ibang krimen ay dahil sa pagbalik ng problema sa droga.

‘Di ako agree sa tirada na ito ni “Bato”. Dahil hindi naman natigil ang droga kahit noong pinagpapaslang nila ang mga sinasabi nilang adik/tulak, narco-politicians at ninja cops. Sa halip lalo pa ngang tumindi ang pasok ng imported illegal drugs sa Pinas, ang dating sachet sachet na bentahan ay bultu-bulto na!

Ang totoo nyan, bigo rin sina Bato at Digong sa kanilang kampanya noon laban sa iligal na droga, kahit naging madugo pa.

Sina Bato, Digong at ilang opisyal ng law enforcements ng nakaraang administration ay may kinakaharap na kaso sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng madugong ‘war on drugs’ nila noon.

Ako, ang solusyon na nakikita ko para masawata ang illegal drugs sa bansa ay bilisan ang paglilitis sa korte sa mga nahuhuli sa droga at sunugin agad ang mga nasasamsam na droga para hindi na mare-cycle pa!

Gumawa ng kulungan sa isla na malayo sa kalunsuran o kabayanan na para lamang sa mga nahatulan sa droga, at huwag payagan na magkaroon sila ng dalaw para hindi na makapagtransaksyon pa sa labas.

Ang nangyayari kasi ngayon, sa bagal ng mga pagdinig sa kaso at pagsira sa mga nahuhuling droga, nagagawa paring makapagtransak kahit sa loob ng kulungan ng mga drug lord, at nare-recycle ang mga nahuhuling drugs kaya hindi maubos-ubos. Mismo!!!

The post May covid o wala magsuot parin tayo ng facemask appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
May covid o wala magsuot parin tayo ng facemask May covid o wala magsuot parin tayo ng facemask Reviewed by misfitgympal on Setyembre 12, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.