
BILANG kaibigan at kalaro sa basketball, nagkaroon din ako ng kaunting kaalaman sa naging kapalaran sa buhay ni Barangay Chairman Jojie Marcelo.
Bago niya narating ang posisyon bilang chairman ng barangay 187 Zone 17, Barrio Obrero, District 2 Tondo sa Maynila, maraming pinagdaan sa buhay si Chairman Jojie.
Noong kanyang kabataan, isa siya na magaling na basketball player na may taas na 6-foot, Lehitimong batang BOYAA (Barrio Obrero Youth Athletic Association). Magaling pa rin maglaro ng basketball kaya lang sa edad amin ngayon, pare-pareho na kaming kaunti na lang ang takbo. Hehehe, ayos ba?
Tuwing Linggo ng umaga, schedule namin barkada na maglaro ng basketball bilang exercise na rin. Nakalaro rin namin ang ilang PBA players gaya nina Boy Bitz Victoria, Alan Caidic, Gerry Esplana at Vergel Meneses. Pero ngayon, ewan ko kung pwede pa makatakbo. Ano chairman Jojie, pwede pa ba tayo makatakbo sa basketball?
Nasakay na rin ako sa kanyang pampasaherong jeeney na byaheng Pasay Rotunda-Monumento. Syempre, hindi niya ako pinagbayad, hehehe.
Dahil nga laking BOYAA, barkada ni Chairman Jojie ang halos lahat ng bata sa Obrero, isa na dito ang aking bayaw na si Timmy “Bulok” Panlilio.
Dumating ang pagkakataong magsilbi sa bayan. Taong 1988, naging miyembro si Chairman Jojie ng Philippine National Police assigned sa Manila Police Department, hanggang na nagretiro noong 2015 sa ranggong Senior Police Officer 4 (SPO4). Sa 27 taong pagsisilbi bilang alagad ng batas, hindi hinayaan ni Chairman Jojie na mabahiran ng dungis ang kanyang uniporme sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.
Pero hindi pa rito natapos ang pagsisilbi sa bayan ni Chairman Jojie. July 1, 2018, majority vote ang nakuha niya para mailulok sa posisyon ng kapitan de barangay sa Bgy. 187. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagbibigay ng serbisyo publiko sa kanyang mga constituents.
Sa kasalukyang dinaranas na pandemiya ng covid 19 ng buong bansa, masigasig na kumilos si Chairman Jojie sa pagbabahagi ng mga ayuda hindi lamang sa kanyang nasasakupang lugar kundi sa buong zone 17 sa Tondo, Maynila. Nagbigay din siya ng vest jacket sa lahat ng miyembro ng BATODA (Barrio Obrero Tricycle Operators and drivers Association) na binubuo ng mahigit 100 miyembro.
Wait there is more… palibhasa ipinanganak sa Barrio Obrero, hindi nawala kay Chairman Jojie ang pagiging lehitimong batang Obrero, kaya pinangunahan niya ang pamimigay ng “Pamaskong Handog” sa lahat ng mga batang Obrero sa pakikipagtulungan ng mga batang Obrero na naninirahan sa abroad.
Para maging matatag pa rin ang samahan ng mga retiradong pulis-Maynila, itinatag ni Chairman Jojie ang isang samahan ng mahigit 100 retiradong pulis-Maynila kasama sina General Ernesto Barlam, Col. Rene de Jesus, Col. Anthony Sy, Col. Ed Pama, Major Arnold Sandoval at Capt. Federico Mateo.
Sa kasalukuyan, abala pa rin si Chairman Jojie sa mga gawaing sibiko na pinakikinabangan hindi lamang sa kanyang nasasakupang barangay kundi pati na rin sa kabuuan ng Barrio Obrero.
Chairman Jojie, hangad ng Congress Files ang patuloy na pagbibigay mo ng serbisyo publiko bilang ehemplo ng isang mahusay at matatag na pamumuno.
Malay mo balang-araw maging konsehal ka ng ika-2 distrito sa Maynila. Ako naman ang bahala sa syo sa media relations sakaling Kongreso ang puntiryahin mo, hehehe.
Keep it up!
***
Markado na raw sa LSB
NAPABALITANG markado na raw sa mga tauhan ng Legislative Security Bureau (LSB) ng House of Representatives ang isang retiradong photographer kuno dahil astig pa rin ito kapag kumokober sa mga committee hearings.
Dahil alam na nga ng mga tauhan ng LSB na retirado na ang photographer kuno, hinahapan siya ng official assignment sa tuwing komokober sa mga committee hearings. Pero walang maipakita ang mokong kaya dinaan sa galit na animo’y magwawala.
Ayaw daw siyang bigyan ng authority ng dati niyang opisina dahil sa Office of the Secretary General ng Kongreso siya nakakuha ng consultancy.
Ibig sabihin, ayaw ka ng i-recognize bilang official photographer, ganun lang kadali isipin ‘yun.
Kaya ayun, umuusok daw ang ilong sa galit ng photographer kuno sa kanyang dating boss.
Pero ang nangyayari, nasa listahan pa rin daw ang pangalan ni photographer kuno o binibigyan ng assignment to cover hearings ng dati niyang opisina. Hala, paano nangyari ‘yun? Paki explain nga po.
The post Mahusay at matatag na pamumuno appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: