Facebook

Grade 6 pupil mabagal magbasa, sinabihan ng ‘bobo’ at ibabalibag ng titser

Masama ang loob ng isang magulang mula sa Barangay Tacras, Narra Palawan.

Ayon kay Gng. Estherlita Rizang, sinabihan ng “bobo” ang kanyang anak na lalaki na isang Grade 6 pupil sa Tacras Elementary School ng teacher nitong si Eduardo David.

Palagi daw nitong sinasabi na “bobo” ang kanyang anak simula noong pasukan, August 22, 2022.

Maliban rito, tinanong rin ng guro ang anak kung gustong ibalibag dahil hindi makapagbasa ng diretso.

Ayon pa kay Ginang Estherlita, dahil sa sinapit ng anak kay teacher Eduardo, hindi na ito pumapasok hanggang ngayon at ayaw na rin mag-aral habang ang ibang kaklase natatakot na rin.

Aminado si Ginang Estherlita na mabagal magbasa ang anak subali’t hindi nito matanggap ang panlalait ng guro at pamumukpok pa umano ng ballpen sa anak.

Samantala, inamin ni teacher Eduardo ang pagkakamali na nagawa at sinabi nitong nasobrahan lang sa galit.

Hindi kasi aniya “naka- gets” ang bata kahit ginawa na niya ang lahat.

Dahil dito, hindi ito pinatawad ng magulang at nais nitong mailipat ng ibang paaralan ang guro.

Naipaabot na ang reklamo sa Department of Education (DepEd).

The post Grade 6 pupil mabagal magbasa, sinabihan ng ‘bobo’ at ibabalibag ng titser appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Grade 6 pupil mabagal magbasa, sinabihan ng ‘bobo’ at ibabalibag ng titser Grade 6 pupil mabagal magbasa, sinabihan ng ‘bobo’ at ibabalibag ng titser Reviewed by misfitgympal on Setyembre 12, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.