Facebook

Bgy. kagawad, dawit sa kaso ni Jovelyn Galleno

Isang barangay kagawad sa Bgy. Sta. Lourdes sa Puerto Princesa City ang idinadawit ngayon sa kaso ng pagkawala ng dalagang si Jovelyn Galleno.

Kinilala ang isinasangkot na si Kgd. Jonathan “Tanjo” Rasimo na may komite ng Peace & Order sa Barangay.

Pinalutang na ang opisyal na ‘di umano ang nagtanim ng alahas sa tabi ng puno ng saging sa lugar na tinitirhan ng salarin na si Leobert Dasmariñas.

Ang mga alahas na kinumpirma ng pamilyang Galleno na pagmamay-ari ni Jovelyn.

Pero ayon kay Kgd. Rasimo, walang katotohanan na siya ang nagbaon o naglibing ng bracelet at kwentas ng dalaga na narekober noong August 25, 2022.

Sinabi ng kapatid ng suspek na si Jennifer Lozada na hindi si Leobert ang nagtanim ng alahas ng dalaga kundi may ibang tao.

Dahil dito, August 26, 2022, matapos marekober ang mga alahas sinubukan raw ni Kgd. Rasimo na makausap muli si Jennifer tungkol sa mga taong pumupunta sa lugar na hindi nila kilala pero hindi na niya ito nakausap pa.

Samantala, nais makausap ng opisyal ang mga taong nag-uugnay sa kanya sa kontrobersyal na kaso.

The post Bgy. kagawad, dawit sa kaso ni Jovelyn Galleno appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. kagawad, dawit sa kaso ni Jovelyn Galleno Bgy. kagawad, dawit sa kaso ni Jovelyn Galleno Reviewed by misfitgympal on Setyembre 12, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.