
ITINODO ng powerhouse TYJ IDCG team ang buong puwersa nito upang ibaon ang arch rival TITOREX squad ,91-71 at mahablot ang kampeonato ng MIGBL Season 3 Legends Division AFP Cup nitong weekend sa GHQ Gymnasium.
Nagpakitang-gilas nang husto si team owner / player Marion Redondo sa opensa at depensa upang akayin ang koponan sa tagumpay katuwang ang co- team owner / cager ding si Ruel Pullan para sa kanilang one- sided victory.
Sa matinding suporta nina veteran prized commercial players at living legends Braulio Lim,Pol Santiago, Christian Coronel,Erick dela Cuesta, Popoy Banhzali Rommel David , Dennis Lim at ex-PBA Bonbon Custodio ay agad na pinulbos ang nagulantang na kalaban at iniwanan agad ng double digit na kalamangan sa first half pa lamang ng bakbakan.
Sa mahusay na pag-rotation ni coach Amboy Agonoy ng kanyang pulutong ay kalat din ang produksiyon kaagapay sinaJeff Sanders,Kojak Melegrito, Noah Baltazar,Jess Faeldon, Kerbie Mangasep, Joey Protacio, Adriano Mario at Mike Jimenez .
“It’ s a team effort. Ginawa ang best namin. Teamwork is the key at lahat nag- deliver para sa championship,” wika ni Redondo na tinanghal ding Most Valuable Player ( MVP) ng naturang AFP Cup. (Danny Simon)
The post TEAM TYJ IDCG KAMPEON NG MIGBL AFP CUP LEGENDS DIVISION appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: