Facebook

Biktima ng landslide, flash flood sa Iloilo inayudahan ni Bong Go

Alinsunod sa kanyang pangako na tulungan ang mga komunidad na nasalanta ng sakuna para makabangon at makarekober, nagbigay si Senator Christopher “Bong” Go ng iba’t ibang uri ng tulong sa mga biktima ng landslide at flash flood sa San Dionisio, Iloilo.

Namigay ang grupo ni Go ng mga grocery packs, bitamina, kamiseta, masks at meryenda sa mga apektadong residente sa Mandua-wak covered court.

Namigay din sila ng sapatos, cellphone, bola para sa volleyball at basketball, at mga bisikleta sa mga piling indibidwal.

Namahagi rin ng tulong pinansyal ang mga tauhan ng DSWD sa mga biktima.

Sa kanyang video message, hinimok ni Go ang mga benepisyaryo na bisitahin ang pinakamalapit na Malasakit Center na matatagpuan sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City para sa kanilang mga medikal na pangangailangan.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop kung saan ang Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office ay matatagpuan sa iisang bubong upang maginhawang mabigyan ng tulong medikal at sa bayarin ang mga mahihirap na pasyente sa ospital.

“Wala pong pinipili ang Malasakit Center. Basta Pilipino ka, poor and indigent ka, qualified ka dito. Ang target po ng Malasakit po ay zero balance, at nandiyan na po sa loob ang apat na ahensya ng gobyerno,” ani Go, ang siyang principal author at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019.

Mayroon na ngayong 151 Malasakit Centers na nakatulong na sa mahigit tatlong milyong Pilipino sa buong bansa.

Samantala, dahil sa pagiging sensitibo ng bansa sa mga natural na sakuna, inulit ni Go ang pangangailangang maipasa ang kanyang panukalang Disaster Resilience Act.

Ang panukalang-batas ay naglalayon na magtatag ng isang lubos na dalubhasang ahensya na mangangasiwa sa pagtiyak na ang mga pamayanang Pilipino ay ligtas at madaling makarerekober sa kalamidad.

Sinabi ni Go na ang panukalang-batas ay naglalayong pag-isahin at i-streamline ang lahat ng mga responsibilidad na may kaugnayan sa paghahanda at pagtugon sa sakuna.

“Madalas pong tamaan ng bagyo, lindol at iba pang kalamidad ang ating bansa. Kailangan na talaga nating i-scale up ang preparedness at resilience against disasters,” idiniin ni Go.

Inulit din ng senador ang kanyang apela para sa pagpasa ng kanyang panukalang Mandatory Evacuation Center Act na kamakailan ay isinampa niya sa 19th Congress.

Ang panukala ay naglalayon na magtatag ng ligtas, permanente, at nakatuong mga evacuation center sa bawat lungsod, lalawigan, at munisipalidad sa bansa. Ang mga mandatoryong evacuation center ay kumpleto sa gamit para magbigay ng agarang tulong sa mga biktima ng kalamidad.

The post Biktima ng landslide, flash flood sa Iloilo inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Biktima ng landslide, flash flood sa Iloilo inayudahan ni Bong Go Biktima ng landslide, flash flood sa Iloilo inayudahan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Setyembre 12, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.