Facebook

Mayor Honey, nanguna sa ‘Nilad planting activities’

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Martes ang sabayang ‘Nilad planting activities’ sa kabisera ng bansa upang itaguyod ang halaman kung saan nagmula ang pangalan ng Lungsod ng Maynila.

Sinamahan ang kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila sa sabayang pagtatanim nina department of tourism chief Charlie Dungo, parks and recreation bureau chief Pio Morabe, barangay captain Evelyn de Guzman, city engineer Armand Andres, department of public services chief Kaye Nicole Amurao and Manila Traffic and Parking Bureau head Zenaida Viaje.

Ang planting activity na ginawa sa New Manila Zoo ay layuning makapagtanim at paramihin pa ang ang halamang ‘Nilad’.

Pinasalamatan ni Lacuna ang kapartner ng lungsod sa pagtatanim na walang iba kundi ang Department of Environment and Natural Resources “who always lend their hands in our desire for a green, livable and healthy city” at ang mga kandidato sa nalalapit na ‘Manhunt International Pageant’ na nagmula pa sa iba’t-ibang panig ng mundo upang makilahok sa isang makabuluhang gawain.

“Today we will be planting NILAD, this stalky white and yellow plant where our city was named after. It was during the precolonial period when this nilad plant grew abundantly at the southern part of the Pasig River. Believing that it is now near extinction, we should do our best to initiate and promote planting, growing and protecting more nilad in our city,” pahayag ni Lacuna sa kanyang talumpati.

Binigyang diin ni Lacuna ang kahalagahan ng ‘Nilad’ sa pamanang kultura ng lungsod.

“The “Nilad for Maynila” project is mutually beneficial for us as we help achieve the re-greening of our city’s coast line. Let me take this opportunity to express our appreciation to the officers and personnel of the national environmental agency with special mention to the Ecosystems Research and Development Bureau or ERDB who are helping us achieve our mission,” ayon sa alkalde.

Nabatid na ang mga itinanim na halamang ‘Nilad’ nitong Martes ay nagmula pa sa Barangay Alitas sa Infanta, Quezon. May kabuuang 140 Nilad ang itinanim sa bisinisad ng Manila Zoo habang may 70 naman ang itinanim sa paligid ng Intramuros, kung saan si Vice Mayor Yul Servo-Nieto ang siyang nanguna.

Ayon kay Dungo ang mga kalahok sa ‘Manhunt International Pageant’ na kumakatawan sa mga 34 bansa ay nagtanim din ng sarili nilang ‘Nilad’ kung saan minarhan ang lugar na.pinagtaniman at nilagyan ng pangalan ng bansa kung saan sila nagmula.

“We acknowledge the presence of the Manhunt International organizers and candidates for joining us in this activity. We appreciate that you are sharing your advocacy in protecting our environment. We also would like to welcome you here in the Magnificent City of Manila. We hope you enjoy your stay and experience in this capital city of the Philippines,” pahayag pa ni Lacuna.

Nagpahayag din ang lady mayor ng maagang paanyaya para siya ay saluhan at saksihan ang mga gawain sa selebrasyon ng Manila Day sa Hunyo sa darating na taon, partikular ang pagdaraos ng commemorative event para sa halamang ‘Nilad’ na tinawag na , ‘Nilad Festival’.

Ang Manila o Maynila, ay mula sa salitang Nilad, isang uri ng puno ng bakawan na may puting bulaklak na kung tawagin ay ‘Nilad’ kung saan napakaraming tumutubo nito sa to Pasig River, kung saan inilalarawan ng mga mamamayan ng lugar bilang “may nilad” o kung nasaan naroon ang nilad. (ANDI GARCIA)

The post Mayor Honey, nanguna sa ‘Nilad planting activities’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mayor Honey, nanguna sa ‘Nilad planting activities’ Mayor Honey, nanguna sa ‘Nilad planting activities’ Reviewed by misfitgympal on Setyembre 27, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.