Facebook

AZURIN, NARTATEZ, ‘PABIGAT’ SA ADMINISTRASYONG MARCOS!

ANG grupo ng CALABARZON-based crime and vice crusaders ay, tila napuno na sa anila’y kawalan ng aksyon ni Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa paghari-harian ng mga kriminal gang at vice syndicate sa Region 4A.

Dahil sa kakupadan umano ng PNP Chief, sa pamamagitan ng sulat ay hinihiling nila kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. (PBBM) na sibakin sa pwesto si Azurin Jr., gayon din si CALABARZON Police Director PBG Jose Melencio Nartatez Jr.

Sina Azurin Jr. at Nartatez Jr. ay bulag, pipi at bingi sa mga nangyayaring insidente ng krimen na ang pangunahing dahilan ay ang nagkalat at ‘di masawa’-sawatang operasyon ng paihi o patulo, gambling, droga at iba pang uri ng kailigalan.

Halimbawa ay ang lantarang operasyon ng paihi ni Glen sa bayan Lemery at ang paihian, burikian o patuluan ng petroleum at oil product ng isang nagngangalang Kap Dan sa Lipa City.

Namumutiktik din ang paihi operation sa Quezon Province. Matagal nang inireteklamo ng mga residente ang mga paihian nina Lito sa bayan ng Candelaria, Lani na nag-ooperate sa Brgy. Lalig sa bayan ng Tiaong, Hiwatig S.,sa Brgy. Loob, San Antonio., Toper sa By-Pass Road, Brgy. Gisgis, sa bayan ng Sariaya at Bobby sa Brgy. Talim, Eco Road, Lucena City.

Samantala ilegal na sugal, partikular ay STL-con jueteng na kilala ring STL bookies, kasabay ng pagbebenta ng shabu ang raket ng mga big-time na drug/gambling lords na sina OCAMPO, sa Brgy. Bagbag, alias Kon. Burgos sa operator Brgy. Pantay na Matanda at Brgy. Ambulong, Melchor Taba, Ablao, alias Mayor Benir at Kon Angel, Lito at Kon. Perez, ng Brgy Darasa at Poblacion Proper, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Emil, Ramil, Aldrin, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, pawang sa Tanauan City.

Si alias Terio naman bukod sa droga at jueteng ang labag sa batas na pinagkikitaan ay may pasingawan pa ng Liquified Petroleum Product (LPG) sa Brgy. Bañadero sa siyudad din ng Tanauan.

Ang iba pang gambling at drug lords sa nasabing lungsod ay sina Gerry, R. ng Brgy. Balele, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, Tano ng Brgy. Trapiche at Rodel ng Brgy. Sambat.

Pati mga kababaihang drug pushers ay nag-ooperate din ng STL-con jueteng sa naturang siyudad at mga ito kinilala ng ating souce na sina alias Cristy na miyembro ng kinatatakulang Fajardo crime group ng Brgy. Suplang,alias Ms. Donna, Ms Anabel at Ms Lilian na may rebisahan ng taya ng jueteng at bentahan ng shabu sa Brgy. Pantay na Matanda at Brgy. Trapiche. Si Ms. Donna ay nag-ooperate din ng bentahan ng shabu at nagpapa-jueteng din sa Brgy. Sambat.

Ang iba pang untouchable na drug pusher con-STL jueteng operator sa lalawigan ng Batangas ay sina alias Willy Bokbok sa bayan ng Nasugbu at alias Timmy na nag-ooperate naman sa mga munisipalidad ng San Pascual at Mabini.

Bukod sa pagiging drug at gambling operator sina OCAMPO at alias Kon. Burgos ay umakto ding bagman o intelhencia kolektor ng isang mataas na opisyal ng Tanauan City Government kung saan ay naghahatag ang mga ito ng Php 1.250 milyon kada isang linggo o Php 5 milyon kada buwan.

Kasama nina OCAMPO at alias Kon. Burgos sa pangongolekta ng protection money sa may mahigit 30 kataong drug/gambling operators sa Tanauan Ciy at iba pang panig ng Batangas at mga probinsya sa CALABARZON area ay sina alias Miguel, Boy Negro, Roger, Sgt Rey, Anrico, Sgt. Romero at Sgt., Marcial.

Ipinangongolekta din ng naturang grupo ang mga pangalan nina PNP Chief Azurin Jr., mga tanggapan ng Special Operation Unit (SOU) sa Office of Chief PNP, pangalan ni RD Nartatez Jr., RSOU ng PNP Region 4A, at CIDG Camp Crame, R4A at Provincial Offices.

Kabilang din sa iniuulat na nagbibigay ng protection money sa grupo nina OCAMPO, ay ang mga maintainer ng STL-con jueteng at financier din ng kalakalan ng droga sa lalawigan ng Quezon na sina alias Fando na nag-ooperate sa mga bayan ng Catanauan at Sariaya, Boss Ejay na operator din ng sugal at drug trade sa munisipalidad ng Sariaya, Rayman sa bayan ng Tagkawayan, Isla ng mga bayan ng General Nakar at Tiaong, at Banong na kumikilos din sa munisipalidad ng Tiaong, ayon pa sa concerned citizen group.

Ang ilan naman sa Laguna-based gambling at big-time drug pusher na suki din ng grupo ng intelhencia kolektor ay sina Jayson na nag-ooperate sa mga bayan ng Sta. Cruz, Siniloan, Mabitac, Los Baños, Bae, Sta Maria, Calauan, Pagsanjan at Liliw, Timmy at Sgt Barreto- Biñan, Sta Rosa, Cabuyao, San Pedro, Sta at iba pang lugar sa 2nd District ng Laguna, Marvin at alias Kap Manguiat- Calamba City, Orlan- San Pablo City at Alaminos, at alias Benir- Munisipalidad ng Rizal.

Pero ang nakakapagtaka, ang sumbong nila’y – kumbaga pumapasok sa kanang tenga nina Azurin Jr. at Nartatez Jr., pagkatapos ay lumalabas sa kaliwang mga tenga na parang walang narinig at wala ring alam sa nangyayaring paihi at gambling operation ang dalawang PNP officials.

Ang parang kabuteng operasyon ng sugal at paihi sa rehiyon ay walang kaduda-dudang naaamoy nina Azurin Jr at Nartatez Jr., pero walang aksyon ang dalawang opisyal. Ang kanilang pananahimik ay pagpapakita ba ng kanilang pagiging inutil versus vices?

Kaya di nakakapagtaka kung bakit hiihiling ng mga anti vice/crime crusaders sa rehiyon kay PBBM ang pagsibak kina Azurin Jr. at Nartatez Jr.

Malinis ang konsensya ng pangulo na magsilbi ng maayos dahil sa totoo lang kahiya-hiyang magiging bigo ang kanyang pamahalaan dahil sa kasaysayan ng election sa bansa walang naging presidente na mahigit 31 milyong botante ang nagtiwala at nagluklok sa pangulo kundi si PBBM pa lamang.

Kaya nakakalungkot na may mga appointees si PBBM na pinagkatiwalaan niyang ilagay sa posisyon subalit, imbes na magtraho’y, katamaran ang ipinapakita kay Pangulong Marcos.

Sina Azurin Jr at Nartatez Jr. ay halimbawa ng mga nakaupong opisyales ng kasalukuyang pamahalaan na tila pabigat’ sa Admistrasyong Marcos dahil hindi nila nagagawa ang inaasahan sa kanila ng taumbayan?

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.

The post AZURIN, NARTATEZ, ‘PABIGAT’ SA ADMINISTRASYONG MARCOS! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
AZURIN, NARTATEZ, ‘PABIGAT’ SA ADMINISTRASYONG MARCOS! AZURIN, NARTATEZ, ‘PABIGAT’ SA ADMINISTRASYONG MARCOS! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 27, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.