Facebook

BIG BOSSES ANG ALALAY NI PBBM SA US TRIP

SUCCESS ang working visit ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) sa America, at pihadong may mga karagdagang negosyo ang tataya o mamumuhunan pa dito sa ating bansa.

Paanong di malayong mangyari ito? Eh umalalay kay PBBM ang halos lahat ng ‘big time’ at ‘big bosses’ ng mga big businesses dito sa atin at sumama sa Pangulo upang manghikayat pa ng negosyo sa New York bilang tulong nila sa Marcos Administration.

Di basta-basta ang grupong ito, mas mahalaga pa sa ibang kasama ng Pangulo sa tingin ko.

Kasama rito ang Presidente at CEO ng Aboitiz Group na si Sabin Aboitiz, International Container Terminal Services Inc. Chairman at President Enrique Razon, Metro Pacific Corp. Chairman at President Manny Pangilinan; San Miguel Corp. President at CEO Ramon Ang, Ayala Corp. Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala, SM Prime Holdings Director Hans Sy, JG Summit Holdings Inc. President at CEO Lance Gokongwei, at Magsaysay Group President at CEO na si Doris Ho.

Kasama rin ang Jollibee Foods Corp. Chairman na si Tony Tan Caktiong, Converge ICT founder at CEO Dennis Anthony Uy, Top Frontier Investment Holdings chairman Iñigo Zobel, Century Properties CEO Jose E.B. Antonio, Alliance Global CEO Kevin Tan, at Philippine Transmarine Carriers (PTC) Group of Companies CEO Gerardo A. Borromeo.

Isa lang sinasabi ng mga big bosses na mga ito, sumama sila sa byahe ni PBBM dahil naniniwala sila sa ating lider, at kanila na ring pagtitibayin na rin ang relasyon nila sa ating Pangulo nang sa gayon ay lalo pang mapasigla ang kalagayan ng ating ekonomiya, para makamtan ang higit pang kaunlaran ng bansa.

Sabi nga ni Aboitiz, na siyang namumuno sa Malacañang Private Sector Advisory Council, ang Pinas raw ay nakabalik na sa tamang daan nitong tinatahak – ang lumalaki at lumalagong ekonomiya, lalo pa, nang malampasan natin ang pandemiyang dala ng COVID-19.

Kung baga, sama-sama ang mga big-time na grupong ito na nanghikayat ng iba pang gaya nila na maglagay na ng kanilang mga negosyo sa bansa. Dahil ang Pinas ay ‘hinog’ na at bukas para sa iba pang nais magnegosyo dito.

Nadale naman ng malaking grupong ito ang mga negosyanteng ‘kano’ atbp. na involve sa trade and industry, tourism, transport, energy, at information and communications technology, at nangakong tataya at maglagay ng kanilang negosyo sa Pinas.

Kung ang mga big-bosses na ito ay gumagawa ng kanilang parte upang makatulong di lamang kay PBBM kung di para sa buong bansa, mano pa kaya, kung tayong mga ordinaryo at mga simpleng mamamayan ay gagawa rin ng maikakatulong upang umangat at umunlad ang bansa? Pihadong nasa tamang landas na nga ang ating ekonomiya.

The post BIG BOSSES ANG ALALAY NI PBBM SA US TRIP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BIG BOSSES ANG ALALAY NI PBBM SA US TRIP BIG BOSSES ANG ALALAY NI PBBM SA US TRIP Reviewed by misfitgympal on Setyembre 27, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.