TINANGHAL na overall champion ang Alamat Aquatic Club sa elite category, habang nangibabaw ang Mabalacat City Flying Barracudas sa Novice class sa katatapos na 1st Dambana ng Kagitingan Swim Cup 2022 sa Cassa Estrella Brgy. Rizal, Pilar, Bataan,.
Tumapos na 1st runner-up sa elite at novice class ang Ichthus Swim Team kasunod ang Dee Sturgeon Swim team at Juggernaut Swim Team, ayon sa pagkakasunod sa torneo na inorganisa nina Dr. Jocelyn Ruiz Dantos at coach Romulo ‘Mhong’ Sanchez, sa pakikipagtulungan ng Bataan Aquathlete Swim Team ant AquaPro Swimming Team
“Masayang-masaya ang mga bata hindi lang yung mga nagmedal dahil matagal-tagal din walang kompetisyon dahil sa pandemic. Ang bonus ditto nakita natin na kahit kanya-kanya munang training, nandoon pa rin sa mga participants yung camaraderie,” pahayag ni coach Sanches.
Bahagi ng masinsin na grassroots sports development program ng Swim League Philippines (SLL) umabot sa 200 swimmers mula sa Bataan, Manila at karatig na mga lalawigan ang nakilahok sa torneo na suportado rin ng Munisipalidad ng Pilar, Bataan; Solid Coaches Group at CNLCSCA.
Tinanghal namang Highest Pointer Awardees sina Seb Rafael Santos, 13, ng Bataan Aquathlete at Shan Kerbie Medina, 15, ng Mabalacat City Flying Barracudas, habang nakamit ni Azsly Paingan Dinalupihan Swimming Team ang Most Outstanding Swimmer (OSA) award para sa Class B at C.
Kabilang naman sa pinagkaloob ng MOS sa novice class sina Christoffe Calyxs Ignacio, Laurence Tangcay Shawn Matthew Tria, Thomas Stefan Gee,Vince Journey Mejia, John Gabriel Garcia, Carl Allen Velasquez, Danna Acibar, Mikeila Seline Hidalgo,Mischa Delos Santos, Sarah Towart, Lara Andrea Tangcay, at Pauline Brianna Pingu.
Pinarangalan naman bilang MOS sa ABC Open category sina Drew Gendry Villanueva, Anod Jose Padre, Seb Rafael Santos, Shan Kervie Medina, Christopher Violeta, Johan Theodore Gomez, Mark Clarence Macalinao, Vienne Ashley Pingan, Roy III Auro, Mejo Jamir Trinanes,
Mark Matthew Fernandez,, Vienne Ashley Paingan, Amara Theana Ignacio, Lymnesia Libo-on, Lovie Reyn Ramos, Lovie Joy Ramos, Shannel Dungca, Khloe Adriana Atendido, Aliah Tanya Ignacio, Elisha Yzabelle Montoya, Shannel Dungca, Princess Julianne Patilan, Cassandra Lorreine Roque, Hannah Esguerra, Reysie Caragay, Hannah Jane Obligar, at Royse Alexi Auro,
The post Alamat, Mabalacat Barracudas kampeon sa Dambana ng Kagitingan swim tilt appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: