HINATULAN makulong ng ng anim na taon at pinagmulta ng P5,000 ang isang kasambahay sa Pasay City.
Sa ulat, napatunayan ng Pasay Regional Trial Court Branch 112 na ‘guilty’ ang kasambahay na si Sumaya Usop Aman sa pamemeke ng kanyang birthday sa kanyang passport na labag sa Articlle 172 paragraph 2 ng Revised Penal Code.
Nabatid na gusto ni Aman na magtrabaho bilang domestic helper sa Saudi Arabia ngunit hinarang ng Bureau of Immigration (BI) nang mapanasin ang kahina-hinalang nakasulat na edad sa kanyang passport.
Inamin naman ni Aman na dinaya niya ang kanyang birthday na mula sa 27 anyos na edad na requirement ng kanyang employer, 24 anyos lang pala ito.
The post Kasambahay kulong ng 6 taon sa pekeng b-day appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: