Marami ang nahihiwagaan sa ginagampanang papel ng isang JON-JON GALUGAD sa departamento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Manila) sa Manila Police District (MPD) headquarters sa UN Nations Avenue, Manila.
Sandamakmak rin ang naguguluhan sa pagkatao nitong si Galugad na kung ito ay isang pulis, retiradong pulis o isa lang sibilyan na may basbas sa kinauukulan.
Mas lalong kaduda-duda ang pangalang ginagamit nito na hindi mo malaman kung ito ay totoo o nagtatago lang sa isang alias upang iligaw ang maraming tao.
Kinalaunan, nadiskubre rin na ito pa lang si Galugad ay isa lamang sibilyan na diumanoy binigyan ng blessing ng kinauukulan upang maging kolektor ng lahat ng intelihensiya sa buong lungsod ng Maynila.
Mantakin niyong napakasensitibong posisyon ang pinagkatiwala dito at iyan ay ang maging kolektor ng mga tara sa lahat ng mga illegal vices kasama na rin ang mga vendor sa Maynila.
Malamang daw na itong si Galugad ay binigyan ng basbas ng isang prominenteng tao o isang mataas na opisyal sa hanay ng kapulisan na pinapalagay ng ilan na si Lt. Col. Bryan Dexter Andulan na siyang hepe ng CIDG-Manila.
Sentido komon at matic naman siguro na talagang may malaking tao sa likuran ni Galugad dahil kung siya lang mismo ang gagalaw sa sarili niya ay siguradong may pag-lalagyan siya, di po ba?
Ang pagkakadawit naman sa pangalan ni Col. Andulan ay base na rin sa bunganga ni Galugad na kadalasang sina-sabing siya daw ay malakas at hindi pwedeng sibakin sa kanyang posisyon dahilsa malaki daw ang hatag niya sa itaas.
Ito daw mga katagang ito ay palagi niyang sinasambit sa kanyang mga kinokolektahang mga tao partikular na sa mga vendor na kanyan na ring pinakialaman.
Bagama’t isang sibilyan, mistulang hoodlum daw ang dating at tindig nitong si Galugad sampu ng kanyang mga tinakdang mga kolektor na kinilalang sina Andrew, RJ at Larry na pawang mga sibilyan din tulad niya.
Mabigat din daw ang barahang nilalaro nitong si Galugad bilang bagman dahil obligadong marami kang perang hawak dito. Natural kailangan may pang-abono ka sa mga gastos at mas lalong kailangan na may panglahok ka sa mga bidding, highest bidder siyempre ang laging nananalo sa anumang pustahan.
Maraming nagsasabi na hindi naman daw problema ang pera sa mamang ito dahil sa 5-6 daw ang negosyo nito. Madalas daw na ang mga puntos nito ay mga vendor… mahusay din ha dahil hindi nga naman makakapalag ang mga ito sa kanya dahil sa kanya rin nagbibigay ito ng intelihensiya.
Ang mahalaga at ang pinakatanong dito ay kung kanino niya pinapasok ang kanyang lingguhang koleksiyon na umaabot din daw ng milyon, kanino nga kaya?
Dalawang bagay lang daw ang mahalaga kay Galugad at ito ay bawal siyang pakialaman ng kahit na sino at ang pangalawa ay walang dapat maging balakid sa kanyang gawain at operasyon.
Ganyan kahiwaga ang anyo ng pagkatao nitong si Galugad na out of nowhere and out of the blue ay bigla na lang sumulpot na parang kabute, bigla na lang nasa limelight.
Ang pinakapinaleng katanungan ay kung batid kaya ng ating butihing MPD Director na si Gen. Andre Dizon ang aktibidad na ito ni JON-JON GALUGAD, alamin na lang natin ang susunod na kabanata.
The post ANO ANG GINAGAMPANANG PAPEL SA CIDG-MANILA NG ISANG JON-JON GALUGAD? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: