PINAPURIHAN sa Senado ni Senator Christopher “Bong” Go ang kabayanihan ng limang miyembro ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na namatay sa rescue mission noong pananalasa ng Super Typhoon Karding.
Ang limang rescuer—sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurrecion, at Narciso Calayag Jr—ay namatay sa San Miguel, Bulacan matapos tangayin ng flash flood.
Natagpuan ang kanilang mga labi sa Sitio Banga Banga, Barangay Camias sa bayan, dakong alas-7:00 ng umaga noong Setyembre 26.
“Mr. President, esteemed colleagues, it is an honor to co-sponsor the resolution honoring the heroism of the five rescuers who braved Super Typhoon Karding and died in an effort to bring aid to affected families in San Miguel, Bulacan,” sabi ni Go sa kanyang co-sponsorship speech sa regular na sesyon ng Senado noong Martes.
Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya at kasama ng mga biktima.
“Buong puso po ang aking pagdadalamhati at pakikiramay sa mga naiwang pamilya at mahal nila sa buhay. Bagama’t hindi po matutumbasan ng anumang halaga ang buhay na nawala, lagi pong bukas ang aking opisina upang maghatid ng tulong sa naiwang pamilya ng ating mga nasawing rescuers,” ani Go.
“Nakalulungkot po na buhay ang naging kabayaran ng kanilang pagtupad sa tungkulin at pagnanais na makasagip ng buhay ng kanilang kapwa tao. Sila ay tunay na mga bayani,” dagdag ng senador.
Ipinahayag ng mambabatas na pinag-iisipan niyang magpasa ng panukalang batas na magbibigay magbibigay ng mga kaukulang benepisyo at security of tenure para sa mga matagal nang empleyado ng gobyerno.
“Lahat ng mga tauhan ng gobyerno ay dapat may karapatan sa hazard pay, partikular na iyong (gumagawa) ng mga talagang mapanganib na trabaho,” sabi ni Go.
Ipinunto niya na sa kabila ng mahabang panahon na nagtrabaho sa gobyerno, maraming job order employees, kabilang ang mga rescuer na kulang pa rin sa seguridad sa panunungkulan.
“Marami sa mga Job Order (personnel) ang matagal nang empleyado ng gobyerno, kung minsan umaabot nang mahigit na sa limang taon pero wala pa rin silang security of tenure at walang benepisyo na tulad ng isang regular na empleyado ng gobyerno,” ipinunto ni Go.
“Unfair naman po sa kanila… Minsan, parehas lang po sila ng ginagawa ng isang regular na government employee, pero sila walang benepisyo dahil Job Order lang po sila,” aniya pa.
Patuloy ding isinusulong ni Go ang mga karagdagang polisiya na lumalaban sa kalamidad na naglalayong epektibong matugunan ang natural at gawa ng tao na mga sakuna, tulad ng Senate Bill No. 188, na magtatatag ng Department of Disaster Resilience.
“Nauna na rin akong nag-file ng aking Disaster Resilience bill na naglalayong lumikha ng Department of Disaster Resilience. Kabilang sa mga ito, ang panukalang batas ay nagbibigay din ng hazard pay para sa lahat ng mga tauhan ng nasabing departamento at mga lokal na tanggapan ng disaster resilience,” ani Go.
Binanggit ng senador na dati nang iniutos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabayad ng COVID-19 hazard pay sa lahat ng tauhan ng gobyerno kabilang ang mga kaswal na empleyado.
“I see no reason why we cannot do the same for those involved in disaster response,” anang senador.
“Sariling buhay po nila ang kanilang itinaya sa ngalan ng kanilang serbisyo. This is the least we could do for all our heroic public servants,” ayon pa kay Go.
The post Kabayanihan ng 5 Bulacan rescuers kinilala ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: