Facebook

SEN. BONG GO, UMAPELA NA IPAGPATULOY ANG BAYANIHAN SA GITNA NG PAGBANGON NG BANSA MULA SA PANDEMYA

Nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go na ipagpatuloy ang bayanihan para sa mga sektor na lubhang naapektuhan ng nararanasan pa ring COVID-19 pandemic, kasabay ng isinagawang relief operations sa Nueva Valencia at Sibunag, Guimaras.

Sa video message, hinimok din ni Go ang mga residente na suportahan ang mga hakbang ng pamahalaan upang agad makarekober ang bansa mula sa mga pagsubok na dulot ng global health crisis.

“Sana po’y nasa mabuti kayong kalagayan. Alam ko pong nasa gitna pa tayo ng krisis. Ngunit, magtulungan lang po tayo, malalampasan po natin ito bilang nagkakaisang mamamayang Pilipino,” aniya.

Namahagi ang team ng senador ng snacks at masks sa 585 na mga residente sa kani-kanilang gymnasiums. Pinagkalooban din ang ilang piling indibidwal ng mga bagong pares ng sapatos, bisikleta, at computet tablets.

Pinasalamatan din ni Go ang Department of Social Welfare and Development na nagbigay ng ayuda sa ilalim ng kanilang Livelihood Assistance Grants program.

“Salamat po sa DSWD sa programa nilang pangkabuhayan. Sa pamamagitan ng programang ito, mabibigyan ang mga nangangailangan ng puhunan, tuturuang magnegosyo, at tutulungang palaguin ito,” saad ng senador.

“Mas masarap nga naman ang pakiramdam kapag pinaghirapan at pinagpawisan ang pagnenegosyo sa tamang paraan. Dalhin ninyo ang kita sa inyong mga pamilya at gamitin ito ng tama para makaahon po tayo sa paghihirap na pinagdadaanan natin ngayon,” dagdag pa niya.

Hinimok din ng Chair ng Senate Committee on Health and Demography, ang mga wala pang bakuna laban sa COVID-19 na magpabakuna upang maprotektahan ang kanilang sarili sa malalang epekto ng virus.

“Mga kababayan ko, ‘pag mayroon na hong bakuna sa harapan ninyo, magpabakuna na po kayo. Magtiwala ho kayo sa bakuna,” apela ni Go.

“Ang bakuna po ang tanging susi o solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa normal nating pamumuhay,” pagbibigay diin pa ng senador.

The post SEN. BONG GO, UMAPELA NA IPAGPATULOY ANG BAYANIHAN SA GITNA NG PAGBANGON NG BANSA MULA SA PANDEMYA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SEN. BONG GO, UMAPELA NA IPAGPATULOY ANG BAYANIHAN SA GITNA NG PAGBANGON NG BANSA MULA SA PANDEMYA SEN. BONG GO, UMAPELA NA IPAGPATULOY ANG BAYANIHAN SA GITNA NG PAGBANGON NG BANSA MULA SA PANDEMYA Reviewed by misfitgympal on Setyembre 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.