Facebook

CAVITE MOST WANTED, NASAKOTE!

BUMAGSAK sa kamay ng pulisya ang tinataguriang most wanted criminal ng Cavite na suspek sa mga serye ng panghoholdap sa di kukulangin sa 20 Indian nationals nang matutop ito ng mga operatiba ng Region 4A Mobile Force Battallion (RMFB) sa kanyang hideout kamakalawa ng gabi sa bayan ng Silang.

Nakumpirma ng pulisya na si Victorious B. Baylosis, 29 alias “Palos”ay may kaso pang murder sa siyudad ng Imus bukod pa sa nakabinbing kaso na Robbery with Violence Against or Intimadation of Person sa Regional Trial Court Branch 13 sa Tagaytay City.

Taglay ng mga operatiba na pinamunuan ni Police Executive Master Sergeant Paquito E. Chan ang arrest warrant na iniisyu ni Judge Mennelli-Carbajal ng Regional Trial Court, Branch 18 nang salakayin ng mga operatiba ang pinagtataguan ng suspek bandang alas 7:00 noong Lunes ng gabi sa Yakal Street, Brgy. Bulihan ng naturang munisipalidad.

Napipilan lamang nina Sgt. Chan si Baylosis matapos ang ilang minutong pakikipagbuno sa madulas, malaki at matanggkad na suspek.

Nadiskubre ng mga pulis na si Baylosis, security guard ay sabit din sa kasong pagpatay at ang kasong murder na isinampa laban dito ay nakatakdang dinggin sa Tanggapan ng Cavite Provincial Prosecutors Office sa Imus City sa October 6, ng taong kasalukuyan.

Ikinasa ni RMFB Chief, LtCol. Agosto Asuncion ang manhunt laban kay Baylosis matapos na mabigo ang mga operatiba ng Cavite Police Intelligence Unit na madakip si Baylosis noon lamang September 22, 2022 sa kanya ring taguan sa bayan ng Silang.

Sa kanyang ulat sinabi ni LtCol. Asuncion kay PNP Region 4A Director Jose Melencio Nartatez Jr., na matapos na matakasan ang mga pulis ng Cavite Provincial Office ay nagtago na si Baylosis sa liblib na lugar sa bayan din ng Silang.

Ngunit ilang araw lamang ang nakararaan ay lumantad ang isang impormante at idinitalye kina LtCol. Asuncion at PEMS Chan na nakatakdang umuwi sa kanilang tirahan sa Yakal Street ang suspek.

Kasama ni PEMS Chan ang may 20 magkasanib na operatiba ng RMFB, Region 4A Intelligence Division (RID) at lokal na pulisya ng Silang ay napaligiran ng mga pulis ang suspek habang nagbabalot ito ng kanyang mga kagamitan para magtago sa Bicol Region.

Nabatid din kina PEMS Chan na di kukulangin sa may 20 Bombay (Indian nationals) ang naholdap na ng suspek ngunit marami sa mga ito ay di na nagpursiging ituloy ang kanilang sakdal sa hukuman sa pangambang paghigantihan sila ni Baylosis.

“ Talagang napakadulas, malaki at matangkad pa yang si Baylosis kaya nga tinagurian siyang “Palos”, kaya’t nahirapan din kami sa pakikiapgbuno sa kanya bago siya namin naaresto”, ang pahayag ni PEMS Chan. (CRIS A. IBON)

The post CAVITE MOST WANTED, NASAKOTE! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
CAVITE MOST WANTED, NASAKOTE! CAVITE MOST WANTED, NASAKOTE! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.