MATAPOS hirangin si former Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin bilang bagong Executive Secretary, usap-usapan ngayon ang pagrerebisa sa mga lumabas na presidential appointments.
Ayon sa isang impormante, lubhang nabahala ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naglabasang ulat hinggil sa mga pekeng appointment papers sa mga “hindi gaanong kontrobersyal” na tanggapan ng gobyerno – kabilang ang Socialized Housing Finance Corporation (SHFC), isang ahensya sa ilalim ng Department of of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Giit ng impormante, target ng isang grupo sa Palasyo na tuluyang mawala si presidential chief of staff Atty. Vic Rodriguez na naghain ng kanyang resignation bilang Executive Secretary noong Setyembre 17.
“Mukhang sinamantala nila ang pagkakataon nang magbitiw si Atty. Vic Rodriguez bilang Executive Secretary,” ayon sa source na nakiusap huwag muna banggitin ang kanyang pagkakakilanlan.
Nang tanungin kung anong ahensya ng pamahalaan ang apektado, partikular na tinukoy ang SHFC na isa sa mga posibleng unahin.
“Kabi-kabila ang mga lumabas na appointment na ginamitan ng photoshop para lang magkaroon ng presidential seal. Pati pirma, talagang kaduda-duda. Gusto nila ibagsak ang sisi kay Atty. Vic,” dagdag pa ng impormante, kasabay ng paghahambing sa appointment papers sa mga “itinalagang” opisyales ng SHFC at Commission on Human Rights (CHR).
Aniya, maingat na sinusuri ng mga eksperto ang dalawang dokumento..
Sa pagsasaliksik, lumalabas na binuhusan ng tumataginting na P157-bilyong pondo mula sa tinatawag na “savings” (ng mga attached agencies ng DHSUD) ang SHFC na inatasan kamakailan ni Marcos Jr. para pangunahan ang pagtugon sa 6.5 milyong housing backlogs.
Bukod sa naturang halaga, nakatakda rin tumanggap ng $1-billion housing grant ang nasabing ahensya bilang suporta ng Estados Unidos sa programang pabahay ng administrasyong Marcos Jr.
The post Pagtatalaga sa SHFC irerebisa ng Palasyo? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: