Facebook

Napasama lang si Sec. Tulfo sa pamamahagi ng educational assistance, at mas magastos ang pagpaliban ng BSKE

SA halip na bumango sa masang Pinoy, napakasama lang si Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Secretary Erwin Tulfo.

Ipinatigil na kasi ni Tulfo ang online registration sa pamamahagi ng educational assistance sa mga anak-mahirap na mga estudyante. Ubos na raw kasi ang kanilang pondo na P1.5 billion, kungsaan 2 milyon ang nagparehistro.

Dahil dito, nag-almahan ang maraming hindi nabigyan lalo yung mga nasa liblib na mga probinsiya na hirap o hindi talaga makakonekta sa link na ibinigay ng DSWD para sa online registration.

Sabi ng mga sumama ang loob, na nag-iingay ngayon sa facebook, kung sino pa raw ang mas mahihirap na sa malalayong probinsiya ay sila pa ang hindi nabigyan. Hindi naman daw kasi sila makakonekta sa link na ibinigay ng DSWD. Kung makakonekta man, wala namang reply, sabi ng mga estudyante.

Ang nangyayari tuloy ngayon, nagkakainggitan at nagkakasamaan ng loob ang mga nabigyan at hindi nabigyan. Pati ang local government unit ay sinisisi ng mga hindi nabigyan. Araguy!!!

Kung bakit naman kasi nagbigay ng ganitong educational assistance ang DSWD na limitado lang sa 2 milyong mag-aaral, eh mahigit sa 27 milyon ang enrolled ngayong taon sa puclic schools.

Sabi ng netizens, ipapa-Tulfo nila si Sec. Tulfo. Hehehe…

***

Mas lalo palang magkakaproblema sa pondo ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kapag na-postpone ang December 2022 elections.

Ito ang binigyan diin ni Comelec Chairman George Garcia sa budget hearing ng ahensiya sa Kongreso nitong nakaraang linggo.

Say ni Garcia, walang problema sa kanila kung ipagpaliban ang eleksyon sa 2023, pero kapag nangyari ito ay kakailangan nila ng mahigit P10 billion na pondo dahil magsasagawa na naman sila ng panibagong voters registration, magpapaimprinta ng mas malaking bilang ng balota dahil sa pagdagdag ng mga bagong botante, pagbili ng mga karagdagang gamit sa eleksyon at dagdag na pondo para sa training at allowance ng mga guro na gaganap sa halalan.

Kinumpirma rin ito ng kinatawan ng Department of Budget and Management (DBM). Na mas malaking problema ang pondo kapag hindi ituloy ang halalan sa Disyembre. Dahil hindi raw kasama sa proposed national budget sa 2023 ang pondo para sa BSKE.

Samantala kung matuloy ang BSKE sa Disyembre ay mayroon na itong pondo na P8.4 bilyon, na nabawasan na ng mahigit P500 milyon sa ginawang voters registration kungsaan mahigit 5 milyon ang mga bagong botante.

Sa puntong ito, wala nang nagsalitang mambabatas.

Ang rason kasi ng ilang mambabatas na gigil para ipagpaliban ang BSKE 2022 ay pondo. Na gamitin raw muna ito sa pagbangon ng ekonomiya mula sa pagkakalugmok sa Covid-19 at para raw maghilom ang sugat sa isa’t isa dulot ng nakaraang national elections.

Sa kasalukuyan, wala pang naipasang batas para ipagpaliban ang halalan sa Disyembre.

Karamihan sa mga senador ay tutol ipagpaliban uli (sa ikatlong pagkakataon) ang BSKE. Dapat!

The post Napasama lang si Sec. Tulfo sa pamamahagi ng educational assistance, at mas magastos ang pagpaliban ng BSKE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Napasama lang si Sec. Tulfo sa pamamahagi ng educational assistance, at mas magastos ang pagpaliban ng BSKE Napasama lang si Sec. Tulfo sa pamamahagi ng educational assistance, at mas magastos ang pagpaliban ng BSKE Reviewed by misfitgympal on Setyembre 11, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.