Facebook

SEN. BONG GO,WORLD CUP AT INT’L GAMES

OPTIMISTIKO si Senator Christopher Lawrence ‘Bong Go na maging matagumpay ang pagdaraos ng FIBA World Cup sa bansa sa susunod na taon kung saan bukod sa pagiging isa sa host ( Indonesia at Japan) ay kalahok din ang ating pambatong GILAS PILIPINAS.

Sa lahat ng larangan,pinakamalapit kasi ang larong basketball sa puso ng mga Pilipino dahil dito ay nagkakaisa ang lahat anumang sektor,status at paniniwala sa buhay upang maipagmalaki lang sa mundo na ang basketball ay hindi lamang basta tangkad kundi bilis,isip,petriotismo,teamwork at PUSO!

Para sa basketball -loving Filipinos ay matic na ang pagkakaisa lalo na sa hosting ng prestihiyosong World Cup na sobrang karangalan sa bansa kaya tulad niya ay tiyak na tutulong ang lahat para sa tagumpay ng ating pagiging punong abala at of course rally behind our national team GILAS PILIPINAS.

Imagine,sa susunod na taong 2023 patikular sa Agosto ay nakapokus ang atensiyon ng buong mundo sa Pilipinas dahil narito ang mga pinakamahuhusay na basketbolista mula NBA ,EuroLeague , Africa at Asia’s best.GO, go Philippines!

Ikinalulugod din ni Senator Go ang halos siyento porsiyento nang pagbabalik- aksiyon ng mga sports events sa bansa partikular ng mga atletang Pilipino dahil na rin sa pagluwag na ng alert level sa bansa na dumanas ng pandemya nang higit sa dalawang taon.

Si SBG na siya ring Senate Sports Committee head ay optimistikong tuluy- tuloy na ang pagbabalik sa dating estado ang larangan ng sports sa bansa upang maipagpatuloy na rin ng national athletes ang komprehensibong training bilang preparasyon sa mga nakatakdang international competitions ( nauna na ang matagumpay na paglahok nitong Vietnam Southeast Asian Games ),ang susunod na SEAG 2023 sa Cambodia at Asian Games ’23 sa China

“With the positive development prevailing in our country’s alert level,I’m glad our national athletes can prepare comprehensively in quest for glory in international competitios (next year)on 2023,” pahayag ni Go na siya ring instrumental sa pagkatatag ng modernong Philippine National Academy of Sports ( PNAS)sa ClarkTarlac.

Patuloy din ang malasakit sa sports sa bansa ng dati ring atletang si SBG kung kaya kanyang inihahatag ang todo suporta na kalingain ang mga atleta ng bansa mula sa grassroot level hanggang elite sa pag- iimplementa naman ng ahensiyang pang-sports ng pamahalaan na Philippine Sports Commission.

GO, GO, GOLD!

The post SEN. BONG GO,WORLD CUP AT INT’L GAMES appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SEN. BONG GO,WORLD CUP AT INT’L GAMES SEN. BONG GO,WORLD CUP AT INT’L GAMES Reviewed by misfitgympal on Setyembre 11, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.