Facebook

PBBM pakinggan ang taumbayan, ituloy ang BSKE ‘22; at palpak na ‘cross country roads’ sa Romblon

KUNG tunay na pinakikinggan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang taumbayan partikular ang higit 31 milyong naglagay sa kanya sa kapangyarihan, dapat ituloy niya ang nakatakdang eleksyon ng Barangay sa Disyembre ng taon.

Ang panukalang pagpaliban uli (for the 5th time) sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay nakalusot na sa 3rd at final reading sa House of Representatives sa botong 264 Yes, 6 NO, at 3 Abstain nitong Martes.

Gusto ng karamihan sa mga kongresista ay sa Disyembre 4, 2023 nalang ganapin ang BSKE, dalawang taon bago ang midterm election.

Tatlong senador narin ang naghain ng panukala para ipagpaliban ang BSKE, kabilang rito ang “Super Ate” ni PBBM na si Imee.

Ang mga rason ng mga mambabatas sa pagpaliban sa BSKE ay: gamitin muna ang pondong higit P8 bilyon para sa pagbangon ng ekonomiya na nalugmok ng pandemya ng Covid-19, pahilumin ang sugat ng nakaraang national (presidential) election, at baguhin ang termino ng barangay officials (gawing 6 years na walang reelection o 5 years na may isang reelection para raw makapag-project ng maayos ang mga nahalal na opisyales).

Pero kung ang taumbayan ang tatanungin, halos 97 percent ang tutol sa pagpaliban uli sa halalan. Dahil masyado na raw matagal sa puwesto ang mga kasalukuyang opisyal, marami na ang tamad, uugod-ugod na, marami nang abusado, at naghihintay nalang ng honoraria.

Ang mga SK nga ay hindi na matatawag ng kabataan, dahil mga gurang na ito, may mga asawa na. Mismo!

Taon 2016, pag-upo na pangulo ni Rody Duterte, ipinagpaliban niya ang eleksyon ng 2017, tapos ginawang 2018 dahil may ilang binago sa batas (tungkol sa political dynasty at edad ng mga kakandidatong SK), sumunod ay 2022, at kapag inayunan ni PBBM ang bill ng postponement ay pang-lima na ito. Fuck!

Inalisan na nila rito ng kapangyarihan ang mamamayan na makapagpalit ng non-performing officials kada tatlong taon ayon sa nakasaad sa ating Saligang Batas. Mismo!

Nasa mga kamay na ngayon ni PBBM ang bola kung ituloy sa Dis. 5, 2022 ayon sa batas ang BSKE o ipagpaliban uli ito dahil lamang sa kagustuhan ng mga mambabatas na may utang na loob sa barangay officials nitong nakaraang halalan.

Kung tunay na pinakikinggan ni PBBM ang marami sa mamamayan, dapat ibasura niya ang panukala ng mga kongresista. Ituloy ang eleksyon sa Dis. 5. Dapat!!!

***

Panawagan kay DPWH Secretary Manuel Bonoan. Paki-gising lang po ng District Engineer nyo sa Romblon Province. Ikutan naman nila kamo ang mga ginawa nilang cross country roads sa Tablas island. Hindi na po madaanan ang mga ito ngayon, maliban lang doon sa napakataas at napakahabang sementadong kalsada mula Odiongan town tagos sa bahay ni Congressman Budoy Madrona sa bayan ng San Agustine.

Pero yung ibang cross country roads partikular mula sa bayan ng Looc to Sta. Fe town, Diyos ko po…hindi na ito madaanan dahil may mga sapa na sa gitna at naglabasan na ang mga tipak ng bato.

Ang kontrobersiyal na Sunwest Construction na kontraktor din ng overpriced at depektibong laptops ng DepEd ang may gawa ng lahat ng ito. Tama ba ako, Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co?

The post PBBM pakinggan ang taumbayan, ituloy ang BSKE ‘22; at palpak na ‘cross country roads’ sa Romblon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PBBM pakinggan ang taumbayan, ituloy ang BSKE ‘22; at palpak na ‘cross country roads’ sa Romblon PBBM pakinggan ang taumbayan, ituloy ang BSKE ‘22; at palpak na ‘cross country roads’ sa Romblon Reviewed by misfitgympal on Setyembre 21, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.