Facebook

SAN PABLO CITY LUNGGA NG OPERATOR NG STL-CON JUETENG AT DROGA!

HINDI lang natin agad natutukan, ngunit tulad din pala ng Tanauan City sa Batangas, ang siyudad ng San Pablo sa lalawigan ng Laguna ay kanlungan din ng napakaraming salot ng lipunan?

Kung sa Tanauan City ay may naghahari-hariang isang alias OCAMPO at mahigit sa 30 mga operator ng Small Town Lottery-con jueteng na front ng kalakalan ng droga, sa San Pablo City naman ay may walo katao ang mabigat ding problema ng bawat komunidad. Ilan lamang sila sa may humigit-kumulang sa 20 gambling operators na karamihan din ay sangkot sa kalakalan ng droga na kumikilos sa lalawigan ng Laguna.

At nakapanlulumong isipin na sa walong drug/ gambling lords na nag-ooperate sa San Pablo City, ang isang alias Pinky na dapat sana ay isang ulirang maybahay at “INA ng awa” ay siya ngayon ang ituturing ng kanilang mga kababayan na pinaka-notoryus na taga-hasik ng lagim at kasamaan.

Bantog saan mang sulok ng siyudad pangalang Pinky pagkat hindi lamang daang libong piso ang tinatabo nito sa STL -con jueteng o STl bookies araw-araw kundi maging sa pagpapabenta ng shabu sa kanyang mga jueteng kubrador.

Kasama ni alias Pinky sa nakaparuming hanapbuhay sina Jayson, alias Tose, Orlan, Ruel A., Timmy, alias Hiwaga at alias Kap Ding. Si alias Timmy na may alias ding Charlie, ay bangkero ng STL-con jueteng hindi lamang sa mga siyudad ng San Pablo, kundi maging sa mga siyudad ng Cabuyao, San Pedro, Binan at Sta Rosa, bayan ng Liliw Laguna,hanggang sa mga munisipalidad ng San Pascual at Mabini sa lalawigan ng Batangas.

Si alias Jayson naman, bukod sa pagpapatakbo ng STL-con jueteng at STL-con drugs sa may 80 barangay sa San Pablo City,ay largado din ang pajueteng at drug trade sa mga bayan ng Los Baños Sta Cruz, Calauan, Pagsanjan at Liliw.

Liban sa San Pablo City si alias Tose naman ay operator din ng naturang mga bisyo sa mga syudad ng San Pedro at Biñan, si Orlan ay nag-ooperate naman ng sugal at droga sa Alaminos.

Kaya naman pala dinadagsa ng mga tulak at adik sa droga ang siyudad na pinamumunuan ni Police Chief OIC, LtCol. Jowie C. Lucas ay may walong malalaki at maiimpluwesya silang kontak sa nasabing lungsod. Bakit wala ring aksyon si City Mayor Vicente Amante laban sa mga ilegalista sa kanyang syudad, dahil ba sa kamag-anak nito si alias Ruel?

Sayang lang ang pagpapapogi sa media ni City Police Chief, LtCol. Lucas kung di rin naman niya kayang lansagin ang operasyon ng walong salot na STL-con bookies at drug dealers sa kanyang siyudad.

Ang iba pang mga nagpapatakbo ng STL-con jueteng sa Laguna ay sina alias Sgt. Baretto sa Biñan City, Sta Rosa City at Lungsod ng Cabuyao, si Niko sa Biñan City, Mayang at Melody sa Sta Rosa City at Biñan City, Arvin at alias Kap Manguiat sa Calamba City at Bong sa bayan ng Rizal.

Sa dami ng mga perwisyo at anay sa lipunan sa San Pablo City at iba pang mga siyudad at bayan sa lalawigan ng Laguna at iisa ang pananaw ng inyong lingkod at ng ating mga kababayan sa Laguna-nagkamali sina PNP Director General Rodolfo Azurin Jr. at Region 4A Director Jose Melencio Nartatez Jr. sa paghirang kay P/Col. Randy Glenn G. Silvio para pamunuan ang kapulisan ng lalawigang mayaman sa mga ginintuang alamat ng Lahing Kayumanggi.

Kilalang tourist haven ang San Pablo City at ang Probinsya ng Laguna sa kanyang kabuuan dahil mga magagandang tanawin tulad ng Seven Lakes, Sampaloc Lake, Lake Calibato at iba pa na tunay namang nagpapatingkad sa kakanyahan ng Lungsod ng San Pablo.

Ngunit papaano pa dadayuhin ng mga turista ay bakasyunista ang siyudad ng San Pablo na pinaka-matandang siyudad sa Pilipinas, kung sangkaterbang kubrador ng STL-con jueteng at mga drug addict ang bumubulaga sa kanila sa mga pangunahing lansangan, palengke at mga establiyementong pampubliko at pribado?

Katulad ng kanilang kabiguan sa lalawigan ng Laguna at Quezon, bigo din ang pamunuan nina PNP Chief Gen. Azurin Jr. at R4A Dir. Jose Melencio Nartatez Jr. sa kampanya kontra-krimen sa mga probinsya ng Batangas, Quezon at Rizal pagkat patuloy na namamayagpag ang operasyon ng STL-con jueteng nina OCAMPO, Kon. Burgos, Cristy at iba pa sa Tanauan City at maging sa mga bayan ng Nasugbu, San Pascual at Mabini.

Lugmok ang imahe ng PNP lalo na nina Azurin Jr,. Nartatez Jr. at Tanauan City Mayor Sonny Collantes dahil sa alingasngas ng Pph 5 milyon na payola ng mga hinayupak na gambling operator con drug pusher sa ilang matataas na opisyales ng kapulisan at sa isang mataas na opisyal ng Tanauan City government.

Iniuulat ding naghahatag ng malaking intelhencia o padulas ang mga paihi operator ng bayan ng Lemery na si Glen at Dondon gayundin si alias Kap Dan ng Lipa City at mga Quezon Province based na sindikato ng buriki, paihi at patulo sa kapulisan at opisyales ng gobyerno kaya di masupil ang mga ilegalistang ito nina Gen. Azurin Jr., RD Nartates Jr. at ng kanilang mga hepe ng kapulisan.

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.

The post SAN PABLO CITY LUNGGA NG OPERATOR NG STL-CON JUETENG AT DROGA! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SAN PABLO CITY LUNGGA NG OPERATOR NG STL-CON JUETENG AT DROGA! SAN PABLO CITY LUNGGA NG OPERATOR NG STL-CON JUETENG AT DROGA! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.