Ni BLESSIE K. CIRERA
NAKABIBILIB ang bagitong direktor na si Jeremiah Palma na nakapagbigay agad ng karangalan sa Pinas nang tumanggap ang kanyang pelikulang Umbra ng dalawang international film festival sa India.
Waging Best Director si Direk Jeremy sa Roshani International Film Festival 2022 at sa Venus International Film Festival 2022 nitong nakaraang July para sa naturang movie.
Hindi pa rin makapaniwala si Direk Jeremy na makasusugkit siya ng award lalo pa’t mabibigat din naman ang mga nakalaban niya na nagmula sa ibat ibang bansa.
“Gusto ko nga pong tumalon sa tulay sa sobrang saya. Overwhelming po talaga,” sey ni Direk Jeremy.
Prinudyus ang Umbra ng MAYA Film at Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas, Inc.(KSMBPI) Film Division.
Gayundin, super thankful si direk kay Dr. Michael Aragon, chairman ng KSMBPI na tumulong para maiprodyus ang pelikula.
“Malaking suporta po ng aming chairman na makapagprodyus po kami. Honestly, hindi po ako makakapunta dito kung hindi dahil sa suporta ni chairman,” anya pa.
Inamin ni Direk Jeremy na kung hindi anya dahil kay Dr. Aragon ay baka hindi na nila nagawa ang Umbra.
Sinabi pa ni Direk na gusto raw niyang makatrabaho at maidirek ang sexy star na si AJ Raval.
Naniniwala si Direk Jeremy na lulutang lalo ang husay sa akting ni AJ sa pelikulang thriller na killer daw ang gagampanan nito.
“Wala munang paseksi dito at pure acting lang talaga ang gagawin ni AJ,” dagdag pa ni Direk.
Samantala, inihayag naman ni Dr. Michael na kada buwan ay may gagawing pelikula ang KSMBPI na si Direk Jeremy ang mamamahala.
Tsika pa ni Doc, isa raw advocacy group ang KSMBPI at ang pagkita ay hindi nila numero unong prayoridad.
Sa katunayan, may proyekto ngayon ang samahan, ang reality show na Socmed House na mistulang Pinoy Big Brother.
Sa kasalukuyan, may 10 housemates na sila, 5 boys and 5 girls na titira sa isang bahay at sasailalim sa iba’t ibang pagsubok.
Ipalalabas umano ito sa KR-TV Youtube channel at KSMBPI Facebook page kaya inaasahan na ang pagtangkilik dito.
Muli, congrats Direk Jeremy at sa KSMBPI!
The post ‘Socmed House’ ng KSMBPI ala-PBB; Direk Jeremy, wagi ang pelikula sa India appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: